Celebrities reveal their instant solutions for the summer heat

Celebrities share their tips to keeping cool this summer.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/27/2016 09:53 AM
Celebrities reveal their instant solutions for the summer heat
042716-MichaelDaryl_PUSH.jpgKanya kanya tayo ng diskarte para mapreskuhan ngayong summer season. Tinanong natin ang ilan sa paborito ninyong personalidad at nag-share sila ng kanilang ginagawa para mabawasan ang init ngayong tag-araw.

Si KZ Tandingan, dagdag oras ng ligo at nag-adjust ng mga lakad para iwas sa init ng araw "Siguro mga thrice a day na ako naliligo ngayon sa sobrang init! Tapos medyo iniiwasan ko lumabas ng lunchtime kasi mainit kung may pupuntahan ako gabi na lang."

Si Janella Salvador, sa pagkain nakabaling ang atensyon para magpa-fresh "Ako kumakain ako ng ice cream!"

Hindi naman nalayo ang sagot ni Marlo Mortel. "Ako ganun din kumakain ako ng malamig ayun mga coolers."

Mas homebody naman ang hunky singer na si Daryl Ong at dedma kung lumaki ang kanyang electric bill. "Nagkukulong ako sa studio ko todo ang aircon tapos tubig na malamig na may ice."

Nagbigay advise naman si Michael Pangilinan na dapat ay regular ang pag-inom ng tubig para di ma-dehydrate. "Halos lahat naman yata kapag may aircon nakabukas lahat ng aircon. Dapat lagi may ice, dapat lagi may water, dapat lagi ka may pang refresh lagi ka hydrated" sabi pa ni Michael.