• Home
  • Fresh Scoops
  • Davey says he didn't expect to win the song writing competition.

2016 Himig Handog winning composer Davey Langit shares inspiration behind "Dalawang Letra"

Davey says he didn't expect to win the song writing competition.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/25/2016 03:22 PM
2016 Himig Handog winning composer Davey Langit shares inspiration behind "Dalawang Letra"
042516-DaveyLangit_PUSH.jpgAng kantang "Dalawang Letra" na isinulat ni Davey Langit ang nanalo ng first place sa katatapos lang na 2016 Himig Handog P-pop Love Songs. Hawak pa ni Davey ang kanyang tropeo at giant check na one million pesos ng lapitan natin siya para ma interview.

Ayon kay Davey, nagulat siya at di niya inaasahan na siya ang mapipili na grand winner dahil bukod sa magagaling at veterans ang karamihan sa kanyang mga ka batch sa Himig Handog, very light at may pagka-comedy ang kanyang entry na "Dalawang Letra."

"This is the cream of the crop lahat ng magagaling nandito ang importante mai kuwento mo ng maayos sobrang lungkot na ng buhay ng tao ngayon ang importante mapasaya mo sila and i think yun ang nangyari ngayon gabi," sabi ng composer, na naging ka-batch ni Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy. 

Dahil sa kanyang pagkapanalo, mas mai-inspire daw si Davey na mag compose ar gumawa pa ng maraming kanta. Naibahagi ni Davey ang inspirasyon niya sa likod ng awitin.

"Napaka makulay kasi ng salita natin, yung Tagalog. May mga words na kapag iniba mo na ang bigkas iba na ang inig sabihin noon. Kaya yun ang nag-inspire sa akin na isulat ito," paliwanag pa niya. 

One million pesos ang premyo na nakuha ni Davey. Mag-iipon daw siya para sa future at siyempre bibigyan niya ng 'balato' ang interpreters ng kanta, ang Itchyworms. Inaasahan na mas mabubuhay ang OPM dahil sa mga bagong compositions na ito mula sa Himig Handog.