• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis Smith doesn’t want to compare ex-boyfriend Sam Concepcion to her new ‘guy’

Jasmine Curtis Smith says her suitor is still ‘under observation’ by her family

Jasmine Curtis Smith doesn’t want to compare ex-boyfriend Sam Concepcion to her new ‘guy’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/24/2016 09:17 AM
Jasmine Curtis Smith says her suitor is still ‘under observation’ by her family
042616-jasmie_main1.jpgWala pang inaamin si Jasmine Curtis Smith kung karelasyon niya na ang non-showbiz guy na si Jeff Ortega na nali-link sa kanya ngayon.

Ang nabanggit lang niya nang makausap siya ng ilang entertainment press ay wala raw namang problema sa ate niyang si Anne Curtis. Ramdam daw niyang boto dito ang ate niya.

“I guess, ano naman, it was like that din naman before. I guess, may isa lang na hindi ano (di masyadong boto). Oo, basta yun, alam niyo na naman yun!” kuwento ng dalaga.

Dagdag pa niya,  “Of course, hindi naman madali for a new guy, to be welcome in my family also. He’s still under observation, kumbaga.

Hindi naman agad-agad, okey na. Just because I’m posting pictures with the family, it does not mean off the hook na siya with my sister or my parents. Siyempre, nasa approval stage kung okey ba o hindi.

As much as possible ay ayaw namang ikuumpara ni Jasmine ang nakaraang relasyon niya kay Sam Concepcion sa bagong kabanata ng kanyang love life.

“I don’t want to compare,” deklara agad niya.

Alam mo, you should never compare something else to what you have now, kasi, iba ‘yan. Iba-iba ‘yan. Meron ngang sayings na the same thing can happen twice but it can never be the same,” rason pa niya.

When asked kung anong natutunan niya sa pinagdaanan sa love life, sey ni Jasmine, “Every step that I’ve taken so far has brought me to where I am. Maybe, there will be struggle din naman to this relationship, for sure, ayoko lang pangunahan.”

Handa rin daw siyang matutunan pa ang maraming bagay.

Siyempre, I’m still growing up, ang dami ko pang kailangang matutunan with things like relationship. So, every step of the way, whatever I learned from the past, I use it na lang here.

“I guess, that’s why I don’t have any negativities towards what happens before. I used it na lang as a tool para mas matalino na ako,” pahayag pa ni Jasmine na bida sa digital show na Forever Sucks ng D5 Studio.