• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco on being the ‘ultimate best friend ng bida’: Kathhniel na lang ang kulang.

EXCLUSIVE: Jason Francisco admits he wants to do a dramatic role on MMK

Jason Francisco on being the ‘ultimate best friend ng bida’: Kathhniel na lang ang kulang.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/24/2016 09:15 AM
EXCLUSIVE: Jason Francisco admits he wants to do a dramatic role on MMK
042616-jason_main.jpgMatagal ding naging co-host ng Kris TV sina Jason Francisco at asawa niyang si Melai Cantiveros kaya medyo nalungkot ang aktor na hindi na ito umeere sa telebisyon.

Grabe, ang tagal din namin sa show. Si Miss Kris (Aquino) naman, feeling ko kaya siya wala (munang show) ay para tumulong sa campaign at siyempre, kailangan din niyang mag-rest, di ba?

At saka, walang makakapag-replace kay Miss Kris pagdating sa talk show. Kasi ngayon, sila lang yung mapalad na pinagkatiwalaang pumalit, sila ni Ate Jolens (Jolina Magdangal), Ate Karla (Estrada), si Melai. Saka napakabait po non (Kris) sa amin,” reaksyon ni Jason sa pag-end ng Kris TV.

Sa My Super D, best friend ng bidang si Dominic Ochoa ang role ni Jason. Ano ang masasabi niya sa tawag sa kanya ngayon na “ultimate best friend ng bida” after doing such role sa Forevermore and On The Wings of Love?

Sobrang proud po ako sa ginagawa ko ngayon kasi unang-una, nag-LizQuen na ako, ako yung sidekick ni Enrique (Gil). Tapos sa Jadine din. Tapos ngayon kay Kuya Dom naman. Sa Kathniel na lang ang hindi pa.

“Yung role ko dito, kahit papaano laging kasama ng bida. At saka happy na ako kasi yung nagiging role ko naman po parang may saysay din saka mahahaba din yung lines,” sambit pa niya.

Nai-share sa amin ni Jason ang isa pang gusto sana niyang mangyari bilang aktor.

“Gusto ko pong magka-role sa MMK (Maalaala Mo Kaya). Nag-guest na kami ni Melai, pero gusto kong gumanap ako don bilang seryosong aktor. Hindi pa kasi ako nabibigyan ng seryosong role don,” pag-amin pa niya.

Hindi kasi seryoso ang tingin nila sa akin, eh, pero hindi nila alam kung gaano ako kalalim sa personal. Pag MMK kasi parang ang galing mo na, eh. Yung kahit makaisang MMK ka lang sa buhay mo, okey na,” dagdag niya.

Kaya niya bang magdrama?

“Feeling ko naman... gagawin ko. Pag yung eksena alam kong naranasan ko sa buhay ko, baka mapaiyak ako. Saka siyempre, ang kailangan do’n ay kung ano yung nasa story. Do’n ka naman huhugot ng acting mo, eh. Char! Dramatic!” biro pa niya.

Sa last part ng aming interview ay nabanggit ni Jason na suwerte silang mag-asawa na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa showbiz.
 
Kasi mahirap po pag galing kayo ng reality show, di ba?  Minsan isang taon lang o sagad na yung two years, mawawala ka na. Pero kami daw mag-asawa, naka-survive kami kaya sobra akong nagpapasalamat,” pagtatapos ni Jason.