• Home
  • Fresh Scoops
  • KZ, Marlo Mortel, and Janella Salvador prepare for Himig Handog P-Pop Love Songs finals.

2016 Himig Handog P-Pop Love Songs performers get ready for finals night

KZ, Marlo Mortel, and Janella Salvador prepare for Himig Handog P-Pop Love Songs finals.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/23/2016 09:49 AM
2016 Himig Handog P-Pop Love Songs performers get ready for finals night
042316-ppop_main.jpgSa Linggo na magaganap ang finals night ng 2016 Himig Handog P-Pop Love Songs sa Kia Theater sa Cubao. Pinuntahan natin ang rehearsals ng performers para sa 15 song finalists at inalam natin ang kanilang mga paghahanda para sa decision night ng prestigious song writing competition. Para kay KZ Tandingan na di na bago sa mga singing competition, kinakabahan pa rin daw siya sa kanyang magiging performance.

"Iba ang kaba ng competition na ito eh hindi ko naman ito competition, para ito sa song writer. Pero sa akin nakadepende iyung kapalaran ng niya."

Si Daryl Ong naman na produkto ng The Voice Philippines at malaking karangalan daw para sa kanya ang mapasali sa Himig Handog.

"Kinakabahan na in a way excited ako. Tinitingnan ko siya as celebration ng OPM. Nagsama-sama ang best composers at umabot sa finals ng himig handog."

Magka-duet naman at nagbabalik ang tambalan nina Marlo Mortel at Janella Salvador sa kantang “Mananatili” na inaalay nila sa kanilang fans. Kuwento ni Janella, siguradong matutuwa ang kanilang followers.

"Ngayon lang ulit kami magkakasama ni Marlo and nakakatuwa ang folowers namin na nandyan pa rin para sumuporta sa amin."

Magka-duet din sina Michael Pangilinan at Angeline Quinto sa kantang “Parang Tayo Pero Hindi.” Say ni Angeline, first time nila magka-trabaho kaya’t nagdagdag sila ng oras ng rehearsals para mas makilala ang boses ng isa’t-isa.

"Kahit siguro alam na namin ang song kailangan na paulit uloy sa tenga namin at lalo ang meaning ng kanta namin."

Para kay Michael malaking break para sa kanya ang makasama si Angeline sa isang kanta.

"Alam mo naman ang boses ng babaeng ito hindi mo maikukumpara. Limitless yata ito kinakabahan kami for Sunday," sabi pa ni Michael.

Ang 2016 Himig Handog P-Pop Love Songs finalists:

"NYEBE" – Aries Sales
"SANA'Y TUMIBOK MULI" – Jose Joel Mendoza
"AMBON" – Gianina Camille Del Rosario
"MAGHIHINTAY AKO" - Dante Bantatua
"DIAMANTE" – Jungee Marcelo
"O PAG-IBIG" – Honlani Rabe and Jack Rufo
"MANANATILI" – Francis Louis Salazar
"LABAN PA" – David Dimaguila
"MINAMAHAL PA RIN AKO" – Rolando Azor
"PATAY NA SI UTO" – Oliver Narag
"PARANG TAYO PERO HINDI" – Marlon Barnuevo
"DALAWANG LETRA" – Davey Langit
"TAMA LANG” – Agatha and Melvin Morallos
"MONUMENTO" - Jungee Marcelo
"BIBITAWAN KA" – Hazel Faith Dela Cruz