• Home
  • Fresh Scoops
  • Julie Anne San Jose says she has no plans to pose for sexy magazines.

Julie Anne San Jose admits having a boyfriend is her least priority

Julie Anne San Jose says she has no plans to pose for sexy magazines.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/22/2016 10:23 AM
Julie Anne San Jose admits having a boyfriend is her least priority
042216-JuliaAnneSanJose_PUSH.jpgIba ang aura ngayon ni Julie Anne San Jose. Mas sumeksi siya at ayon sa mga nakapansin, mas gumanda pa at talagang blooming. Pero ayon sa dalaga, hindi raw lalaki ang dahilan ng lahat.

“Importante rin pong maging fit lalo na pag personality ka, di ba, dapat presentable ka rin palagi,” nakangiting katwiran ni Julie Anne.

Eh, paano nga ba niya na-achieve ang magandang pangangatawan ngayon?

“Dinadaan ko po sa workout. Nagba-bike po ako everyday kahit po sa loob ng bahay kahit yung cycling lang, 30 to 45 minutes. Tapos konting weights para ma-tone yung muscles,” dagdag pa niya.

Baka naman naghahanda na siyang mag-pose sa sexy magazine kaya siya nagpapaganda ng katawan?

“Ay hindi po. Hindi ko nakikita ang sarili ko na magpo-pose ako nang seksi,” tanggi agad niya.

Pagdating sa personal na buhay, inamin ni Julie Anne na wala siyang love life ngayon. Wala rin daw nanliligaw sa kanya.

“Wala po, eh. Wala po kasi akong time sa mga ganyang bagay for now kasi ang dami ko pong ginagawa. I have school, graduating po ako ngayon, tapos eto po, may ginagawa akong album and then may concert.

“Kung meron pong isang bagay na nasa least ng priority ko, yon po yung love life... I don’t know kung kelan po darating yon, only God knows.”

Samantala, ipinagmalaki rin ni Julie Anne na ibang-iba ang makikita ng kanyang audience sa 10th anniversary concert niya na In Control on May 4 sa Kia Theater.

“Makikita po nila yung Julie Anne na hindi pa nila nakikita. Yung Julie Anne na ‘woman’ na. Hindi na yung basta ‘girl’ lang,” makahulugan niyang sabi.

Sa isyu naman kung inaalok ba siya ng ibang TV network o balak niya nang lumipat, nagbigay din ng pahayag ang dalaga.

“Sa ngayon po, masaya po talaga ako kung nasaan man po ako ngayon. Wala pong plans (na lumipat), ayoko po muna kasing isipin yung ganyang mga bagay dahil ang focus ko po talaga ngayon ay sa school, concert, album.”

Tungkol naman sa paglipat ng ibang mga kasamahan niya sa GMA-7, safe din ang sagot ni Julie Anne.

“I don’t know how to answer that question, pero I think, desisyon po kasi nila yon, eh. And kumbaga, ang goal ko lang naman po talaga ay makapagpasaya at kumanta. Basta masaya po ako sa mga opportunities na natatanggap ko.

“Hindi naman po lahat ng bagay ay madali. Kumbaga, lahat po ng ginagawa ko dito, sa 10 years na hard work, pagsisikap, di ba, it really pays off. May challenge sa personal na buhay, sa trabaho, pero nalampasan ko naman lahat yon,” pagtatapos ng Asia’s Pop Sweetheart.