• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor also answers if he will also begin dating again anytime soon.

Piolo Pascual reacts on KC Concepcion's new romance with Ali Borromeo

The actor also answers if he will also begin dating again anytime soon.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/21/2016 04:53 PM
Piolo Pascual reacts on KC Concepcion's new romance with Ali Borromeo
042116-PioloPascual_PUSH.jpgSa pictorial ni Piolo Pascual para sa pelikulang "Love Me Tomorrow" ng Star Cinema kung saan kasama niya sina Dawn Zulueta at Coleen Garcia, nagbigay reaksyon si Piolo sa announcement ni Toni Gonzaga na buntis na ito sa kanilang panganay ni direk Paul Soriano. 

Nakasama na ni Piolo si Toni sa box office hit na "Starting Over Again" at sa upcoming teleserye na "Written in Our Stars" na sa ngayon ay natigil ang taping dahil sa status ni Toni. 

Sabi ni Piolo, naintindihan niya ang lahat at kailangan hintayin si Toni para sa serye.

"Ah for now were not sure whats going to happen of course we have to respect Tin, hindi naman natin pipigilin yun sa ngayon so hintay tayo," paliwanag ni Piolo. 

Sa kanya namang personal na buhay, nagbigay reaction si Piolo na nakikipag date na ngayon ang kanyang ex-girlfriend na si KC Concepcion sa athlete na si Ali Borromeo. 

"I'm happy for her I always want the best for her," sabi ng aktor. 

Sa kanya namang status bilang single, marami pa rin ang nangungulit kay Piolo kung kailan siya muli magkakaroon ng inspirasyon.

"Bakit may problema ba tayo doon? (Laughs). Yang mga ganyan hindi hinihintay kusa dumadating naman yan eh" sabi pa ni Piolo.