James to naysayers of his relationship with Nadine: 'As long as we're happy, they can be bitter'

James Reid and Nadine Lustre trust each other 110 percent.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/21/2016 05:32 PM
James to naysayers of his relationship with Nadine: 'As long as we're happy, they can be bitter'
042116-James_PUSH.jpgNagpa-set visit ang Viva Films sa latest movie ng Jadine na This Time at dito nagpa-interview sina James Reid at Nadine Lustre, na kahit pagod at mainit ang panahon ay all smiles pa rin sa entertainment media.

Unang sinagot ni James ang balita na hanggang ngayon ay may mga nagsasabing gimik lang at di totoo ang kanilang relasyon ni Nadine.

"It doesn't really matter whether or not they believe me ,so as long as we are happy they can be bitter," sabi ni James. 

Hindi naman nalayo dito ang sagot ni Nadine.

"Kami naman po alam naman namin ang totoo, so kung ayaw nila maniwala, loss na nila yun. Bahala sila," natatawang pahayag ng aktres. 

Sa dalawang showbiz event, solo na nag-attend ang Jadine tandem. Solo si Nadine sa kanyang guesting sa Tonight with Boy Abunda at solo naman tinanggap ni James ang parangal nila sa Guilermo Awards. Nabigyan na naman ito ng kulay na may tampuhan daw ang dalawa.

Natawa na lang si James sa issue.

"I think you guys think too much a lot! (Laughs) As you can see, we are so busy right now , I have to accept the award on her behalf," paliwanag ni James. 

Sa mga napapabalita naman na marami pa rin ang girls na nali-link kay James, nagsabi sina James at Nadine na 110 percent ang tiwala nila sa isa't isa.

Last shooting day na ng This Time  sa Linggo at ipapalabas na ito sa mga sinehan sa May 4.