• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis-Smith says she is not out to compete with anyone but herself.

Jasmine Curtis-Smith on Ritz Azul’s transfer to ABS-CBN: ‘I’m happy for her’

Jasmine Curtis-Smith says she is not out to compete with anyone but herself.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/21/2016 02:54 AM
Jasmine Curtis-Smith on Ritz Azul’s transfer to ABS-CBN: ‘I’m happy for her’
042016-JasmineSmith_PUSH.jpgHindi isyu kay Jasmine Curtis-Smith kung sa digital platform lang napapanood ng mga tao ang kanyang show na Forever Sucks. Ito ang sinabi niya nang makausap siya ng ilang entertainment press sa launching ng mga programa ng D5 Studio ng TV5 sa isang hotel sa Taguig.

“Ang dami na kasi talagang nanonood ngayon sa online. People are downloading applications na talagang manonood ka ng iba’t ibang series. Some people stream online,” reaksyon ng dalaga.

Buong ningning ding sinagot ni Jasmine ang tanong kung ano ang reaksyon niya sa paglipat sa ABS-CBN ng dating kasamahan sa network na si Ritz Azul.

Ayon kay Jasmine, “I think, siya pa lang naman this year, right? You know what, at the end of the day, it’s where they find happiness and where they find work.

“Ako naman I’m happy with where I stand, eh. I’m enjoying everything that I’m getting here in TV5. I’ve got a very open mind in terms of yang mga networks, like I don’t like being involved in network war. I think it’s so silly.

“You’ve only got yourself to compete with, di ba? That’s the saying na if you want to be better don’t compete with others, compete with yourself first,” katwiran niya.

Nagulat ba siya sa pag-transfer ng TV network ni Ritz?

“Yes, of course. It’s always a surprise when you see someone move to a different network. People move to TV5 din naman, di ba?

“I guess, ano lang yan, season in each person’s and each actor’s career and I don’t think you can blame anyone. It’s a personal decision so ano na lang... respect everyone who wants to work, respect everyone who wants to have food on their table. So I think that’s her main reason (na lumipat sa ABS-CBN),” paliwanag niya.

Masaya rin daw siya para kay Ritz at sa naging desisyon nito.

“I’m happy for her, she’s happy... so I’m happy with where I am too,” sey pa niya.

Sa tanong kung hindi ba niya naisip na naunahan na siya ni Ritz na magkaroon ng magandang career, nagbigay din ng reaksyon si Jasmine.

“You know what? I really don’t care. For me it’s where I find work. I’m always busy with TV5, I’m always given projects here may it be a big show, a digital show, may it be a guesting. And they’re not strict when it comes to me accepting job out of the network.

“Alam mo yon... I’m grateful kasi pinagbibigyan nila ako. Yang selos ka ba kung nauna siya or anong napi-feel mo na... yang mga rumors na yan, it starts from people wanting to mess up my relationship I guess with TV5. Bahala na kayo diyan. I have no time for that.”

At kung nauna man daw sa kanya si Ritz, ayon kay Jasmine, “Okey lang naman, mauna siya (Ritz). Bakit, what’s the issue with that?

“Hindi ito karera and again, I’m not the type of person na titingnan ko yung kabilang artist at sasabihing ‘Oh, my God, naunahan niya akong mag ganito, mag ganyan-ganyan.

“Bakit, siya ba ang titira sa bahay ko, ako ba ang titira sa bahay niya? You know, I only have myself to serve in my work, ayokong iku-compare kung anong meron siya sa akin. Iba naman yung life plans ko sa life plans niya,” paliwanag sa press ni Jasmine.

Photo credit to Jasmine Curtis-Smith's Instagram