• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco also reveals daughter Mela now knows how to imitate mom Melai Cantiveros and Mommy Dionisia.

EXCLUSIVE: Jason Francisco admits they aren’t planning to have another baby just yet

Jason Francisco also reveals daughter Mela now knows how to imitate mom Melai Cantiveros and Mommy Dionisia.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/20/2016 09:58 AM
EXCLUSIVE: Jason Francisco admits they aren’t planning to have another baby just yet
042016-JasonFrancisco_PUSH.jpgParehong abala sa kani-kanilang trabaho ang mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros. Monday to Friday ang morning show ni Melai na Magandang Buhay bukod pa sa taping niya ng We Will Survive. Si Jason naman ay kasama sa My Super D na MWF ang taping.

Pero ayon kay Jason, kahit super busy silang mag-asawa, nagagawa pa rin nilang mag-bonding at bigyan ng panahon ang anak na si Baby Mela.

“Suwerte, kasi after On The Wings of Love, may bagong show agad ako. Nagkikita na nga lang kami minsan ni Melai pag-uuwi na lang ng gabi.

“Minsan naman pinupuntahan ko siya sa set. Isinasama ko yung baby kasi nami-miss niya. O kaya pag may mahabang time siya, uuwi muna ng bahay.

“Yung panahon sa bata, hindi naman nawawala. Kailangan talagang bigyan din talaga ng time. Binibigyan namin ng time,” dire-diretsong kuwento ni Jason sa Push.com.ph.

Patuloy pa niya, “Actually, Sunday talaga yung aming family day. Pagkatapos magsimba, gagala, magdi-dinner.”

Masaya ring ibinahagi ni Jason na Melai na Melai ang kilos ng anak nila who turned two years old nu’ng April 3.

“Yung attitude niya saka mga kilos niya, mamang-mama niya. Ginagaya niya ang mama niya. Tapos nagma-mommy D (Dionisia) na rin siya. Marunong na siyang manggaya. Nakakatuwa,” pagmamalaki ng aktor.

Eh, wala pa ba silang balak sundan ang panganay?

“Wala pa muna. Enjoy-enjoy muna. Siguro bahala na ang Diyos kapag three years old na siya o ano. Pero iniisip din talaga namin kung kaya pa ba namin ng isa pa. Yon kasi ang kailangan mong isipin, eh.

“Actually, lahat pinaplano namin talaga. Sobra kaming magplano. Madalas lang kaming nagbibiruan pero seryoso kami sa buhay,” natatawang sabi pa niya.

Papayagan ba nilang mag-showbiz si Baby Mela?

“Hindi ko alam, eh. Depende po sa bata kung gusto niya, pero hangga’t maari, gusto ko na mag-aral muna siya,” sagot ni Jason.

Meron din daw silang sinusunod na family planning method ngayon.

“Kasi di ba, nauna yung baby bago kami ikasal, buo na siya. Nag-break kami non tapos nagkita at dahil sa sobrang pagmamahal, yon na, tumodo na. Ngayon, hinay-hinay lang muna kami.

“At saka ako, alam ko naman kung paano yon (family planning). Alam din naman ni Melai kung kailan dapat at hindi dapat (mag-sex),” medyo nahihiya niyang sabi sa Push.com.ph.