• Home
  • Fresh Scoops
  • The Palace Pool Club has yet to submit all CCTV footage related to Ana Capri’s case.

EXCLUSIVE: Ana Capri is dismayed about lack of progress on sexual harassment case

The Palace Pool Club has yet to submit all CCTV footage related to Ana Capri’s case.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/19/2016 09:16 AM
EXCLUSIVE: Ana Capri is dismayed about lack of progress on sexual harassment case
041916-AnaCapri_PUSH.jpgAna, dismayado sa isinampang reklamo ng sexual harassment at physical assault sa NBI; dapat sampahan ng kaso, hindi pa makilala
 
Tatlong linggo na ang nakakaraan pagkatapos magsumbong sa NBI ang aktres na si Ana Capri tungkol sa pambabastos sa kanya ng isang customer sa The Palace Pool Club sa The Fort, pero hanggang ngayon pala ay wala pa ring development tungkol dito.

Kumusta na ba siya pagkatapos ng insidente?

“Eto, stress pero okey naman. Until now, wala pa ring nabibigay na pangalan yung Palace Pool Club don sa lalaking gumawa nga nung harassment saka assault sa akin, so yon, nakaka-sad yung part na yon,” pahayag niya sa Push.com.ph.

Ayon pa kay Ana, “NBI is trying to help naman na makausap nila yung management ng Palace Pool Club para kahit papaano, makatulong naman, then hopefully nga, mahanap yung mga friends nung guy para at least puwedeng matanong. Wala naman masama siguro do’n di ba? Para at least, makapagsampa kami ng mas maayos na kaso do’n sa lalaki.”

Sa tingin ba niya may kaugnayan sa pambabastos sa kanya ang dati niyang image bilang sexy star?

“Hindi ko kasi masabi. In reality kasi yung nangyari, napaka-random. As in, hindi ko siya nakita nu’ng gabi na yon. I don’t know kung nakita niya ako. Pero nu’ng nangyari yon,nakatalikod ako, and kung totoo yung sinasabi nila na Chinese national siya, I guess hindi naman siya familiar sa akin, di ba?

“So, erase na yung kung artista ako o si Ana ako. So talagang random lang na pinuntirya nya ako or siguro nagkataon na ako yung nasa lugar na yon?

“Medyo irrelevant nga yung suot ko that night, eh. Bilang Palace Pool Club yon, naka-swim wear yung iba, ang suot ko parang shorts lang, mas mahaba pa nga dito (sabay pakita ng suot niyang mini-skirt). Ang problema kasi, yung lumabas sa footage, from the top siya kaya kitang-kita yung cleavage.

“Pero pag sa personal siya, sakto lang siya, hindi siya sobrang revealing. Medyo off pa nga siya para don sa place, puwede nga siyang pang-mall na damit, eh. Napaka-casual ng suot ko para do’n sa lugar. Naka-lipstick lang ako, ni hindi nga ako naka-blower, eh. Nakatali lang yung hair ko.

“Biglaan lang talaga yung labas ko nu’ng gabi, so hindi talaga siya konektado do’n. And hindi naman ako nasa dance floor, wala ako sa bar. Nasa taas ako, sa tower area at nananahimik na nagtsa-charge ng phone. There’s nothing provocative or whatever sa itsura ko non,” detalyadong kuwento ni Ana sa nangyari.

Pabiro naman niyang ibinahagi ang natutunan niyang lesson dahil sa nangyari.

“Siguro next time, dapat magdala ako battery pack o powerbank para hindi na ako makiki-charge ng phone,” sey ng aktres.

Sa tingin ni Ana, kahit walang masyadong pumapansin sa reklamo niya ay tama lang daw ang ginawa niyang pagsusumbong sa NBI.

“Kasi kung lahat na lang ng ganung bagay ay dedemahin natin, pagbibigyan na lang natin kasi lasing naman daw yung tao, hindi naman daw tagarito, foreigner naman daw... kasi kung foreigner ka, mas lalo ka dapat maingat kasi wala sa bansa mo, di ba?

“Babae na nga akong naturingan, eh, bakit hinayaan lang siyang makaalis? Tapos nag-contradict pa  ang Pool Palace na hindi nila hinatid yung guy. Buti na lang, kita sa CCTV na hinatid pa nila yung guy. At least, don sa part na yon na-relieve ako, na ako ang nagsasabi ng totoo.

“Hindi naman ako perpektong tao. Anybody could lie pero yung CCTV hindi puwedeng mag-lie. And hopefully, ibigay nila (Palace Pool Club) lahat yung footages. Kasi yung sinubmit nila hindi pa kompleto. Meron pang kulang. Kasi nu’ng ni-review ko yung CCTV, meron pang iba na hindi nila dinala sa NBI.

“Nakakainis! Kumbaga, whatever mangyari sa kaso... sana ma-charge siya, sana ma-penalize siya sa ginawa niya. Hindi na lang para sa akin, para na lang hindi maulit sa iba,” paliwanag pa ng aktres.