Pia Wurtzbach crowns Maxine Medina as her Bb.Pilipinas-Universe successor

The 2016 Binibining Pilipinas Queens are revealed.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/19/2016 02:42 AM
Pia Wurtzbach crowns Maxine Medina as her Bb.Pilipinas-Universe successor
041816-BBP_main.jpgUmpisa pa lang ng 2016 Binibining Pilipinas Coronation Night, mataas na kaagad ang energy na nakita sa 40 candidates ngayong taon. Sina Xian Lim at KC Concepcion ang mga naging hosts ng pageant ngayong taon na pinuri ng audience dahil sa kanilang galing na ipinakita. 

Nagpatalbugan sa kasexyhan ang mga kandidata sa kanilang puting two piece swimwear sa swimsuit competition. All filipino designers naman ang bumida sa evening gown competition. 

Kinakabahan naman ang lahat ng piliin na ang top fifteen finalists na kinabilangan ng Binibini numbers : 31; 16; 5; 38; 22; 9; 4; 13; 29; 27; 26; 11; 37; 28; 12. Na siyang nagpatuloy sa question and answer portion na may bagong twist dahil ang judges ang bumunot ng numero ng mga kandidata na kanilang tatanungin. 

Kabilang sa prestigious na hurado ngayong taon ang ABSCBN Executives Cory Vidanes at Lauren Dyogi, Kapamilya Actor Ian Veneracion at 2015 Miss USA Olivia Jordan. 

Pinaka malaking highlight ng pageant ang farewell walk ng reigning queens na kinabilangan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na nagbigay ng positibong mensahe sa kanyang successor at sa husay ng world class na Pinoy. 

Magkakasunod na inihayag ang mga nanalo sa anim na korona ng Binibining Pilipinas na kinabilangan ng mga sumusunod: 

Bb. Pilipinas Universe 2016 – Bb. 29, Maxine Medina 
Bb. Pilipinas International 2016 – Bb. 31, Kylie Verzosa 
Bb. Pilipinas Supranational 2016 – Bb. 13, Joanna Eden 
Bb. Pilipinas Intercontinental 2016 – Bb. 26 Jennifer Hammond 
Bb Pilipinas Globe 2016 – Bb. 28, Nichole Manalo 
Bb. Pilipinas Grand International 2016 – Bb 11, Nicole Cordoves 

Inaasahan na muli makakasungkit ng international crown ang mga bagong Binibini Title holders. 

Malaking pressure din ito dahil nabansagan na ang Pilipinas bilang Powerhouse of Asia pagdating sa international pageants.