• Home
  • Fresh Scoops
  • The 2016 Binibining Pilipinas-Universe says she never expected to win the most-desired crown in the pageant.

Maxine Medina shares she almost joined Bininbining Pilipinas in 2012

The 2016 Binibining Pilipinas-Universe says she never expected to win the most-desired crown in the pageant.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/19/2016 02:44 AM
Maxine Medina shares she almost joined Bininbining Pilipinas in 2012
041816-maxine11_main.jpgEmotional pa si 2016 Binibining Pilipinas-Universe Maxine Medina ng ating makaharap sa interview pagkatapos ng coronation night ng Binibining Pilipinas. 

Gaya ng ibang mga kandidata na nakoronahan, hindi pa nagsi sync in sa kanya ang kanyang napanalunan "Hindi ko po talaga ma explain first of all hindi ko inaasahan na mananalo as Miss Universe Philippines and i never expect na si Pia ang maglalagay sa akin ng crown"
 
Naibahagi ni Maxine na hindi ito ang unang beses niyang pagsali sa prestigious beauty search. "I’ve been friends with Pia before and nagulat ako na Miss Universe na siya. That was four years ago matagal na. I joined Binibini in 2012 pero hindi natuloy because of my conflict sa contracts ko and the year after that Pia joined." 

Naging malaking challenge daw sa kanya ang pagbabalik sa pageant scene matapos ang pagmomodelo. "I was thinking after modelling what’s next? So I decided to join the Binibini to prove myself. Hindi ko po naramdaman yung favoritism basta in enjoy ko lang ang journey [sa pageant]." 

Sabi pa ni Maxine, hindi niya makakalimutan ang short talk nila ni Pia sa stage habang kinokoronahan siya nito. "I haven’t talked with Pia after nito pero ang sabi niya lang noong nasa stage na nanginginig din daw siya at di ko po inaasahan na siya talaga ang magko-korona sa akin," sabi pa ni Maxine.

Isang freelance interior designer si Maxine at graduate siya ng College of St. Benilde at Philippine School of Interior Design. Isa rin siyang fashion model since 2008 at in a serious relationship si Maxine with model-turned-actor Marx Topacio. 

Main Photo credit to maxine_medina IG