Matteo Guidicelli tries out being a waiter on the side

Matteo Guidicelli is enjoying running his restaurant.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/17/2016 08:41 AM
Matteo Guidicelli tries out being a waiter on the side
041716-matteo.jpgNagbukas kasabay ng birthday ni Matteo Guidicelli noong March ang kanyang restaurant na Trattoria de Gianni, isang Italian Reastaurant na personal na inaasikaso ni Matteo sa Cebu. Dito nai-share ni Matteo na bukod sa pagiging owner ng restaurant at may iba pa siyang ginagawa dito.

"Aside from artista mayroon pa ako isang trabaho, waiter! Literal yan I just gained respect sa mga mahal natin na waiters kasi it’s not an easy job kaya sa lahat ng waiters diyan, congratulations po!"

Malapit na daw sa pamilya ni Matteo ang kanilang restaurant staff lalo na ang kanilang chefs na matagal ng kasama ng pamilya. "The staff that we have, our cooks nasa amin sila. 25 years na sa lolo ko pa and they speak the language Italian. Nandoon sila araw araw."

Nagbiro pa nga si Matteo na wala siyang suweldo bilang waiter pero kakaibang experience daw ang mararamdaman ng costumers nila. "Wala pa ako nakukuhang tip. Okay lang may service charge naman sa bill. Masaya kasi kinakausap mo sila nakikipag-kuwentuhan ka, it’s like pumasok ka sa bahay namin kapag nasa restaurant ka namin," sabi pa ni Matteo.