• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo says he considers Jane one of the best actresses in the industry.

Arjo Atayde speaks up on courting Jane Oineza

Arjo says he considers Jane one of the best actresses in the industry.

BY
Kristhoff Cagape

FRESH SCOOPS

04/18/2016 01:31 AM
Arjo Atayde speaks up on courting Jane Oineza
041816-arjo_main.jpgPresent si Arjo Atayde sa advance screening ng My Super D na ginanap sa Dolphy Theater nu’ng Friday night para suportahan ang inang si Sylvia Sanchez na isa sa cast ng pinakabagong TV series ng ABS-CBN. Bukod kay Arjo, present din ang kapatid niyang si Ria at ang father nilang si Art Atayde sa event.

“Parang family day namin ito and lagi naman akong sumusuporta sa ginagawa ng mom ko. Happy ako na meron siyang bagong show sa ABS-CBN,” nakangiting bati ni Arjo.

Halata namang nag-enjoy si Arjo na panoorin ang My Super D.         

“Ang gagaling ng cast at saka ang ganda nung ini-impart nilang values sa televiewers. Hindi lang siya basta pambata, maraming tatay din ang makaka-relate dito. Congratulations sa Dreamscape!” pahayag pa niya.

Napapanood din sa Dreamscape series na Ang Probinsyano si Arjo bilang Joaquin na kontrabida ni Coco Martin.  Thankful si Arjo sa mga papuring natatanggap niya lalo na if it’s from Coco.

“I consider him one of my mentors sa show. Sobrang husay talagang magturo. Kaya rin siguro ako effective na Joaquin ay dahil sa kanya,” reaksyon pa ng binata.

Samantala, pinabulaanan naman agad ni Arjo ang isyu na kaya natanggal ang karakter ni Bela Padilla sa Ang Probinsyano ay dahil ipinatanggal siya ni Maja Salvador. 

“Hindi po ganu’n si Maja!” depensa agad niya.

“In the first place, wala naman silang issue so why would she do such thing?” dagdag pa niya.

About his personal life, hindi pa raw niya nililigawan ang aktres na si Jane Oineza.

Ayon pa sa kanya, “Right now kasi, hindi ko pwedeng sabihin na magpu-full blast ako sa panliligaw because first of all, wala akong oras, so paano akong manliligaw? Especially, sa first part talaga when you court someone, the most important is to be able to spend time, to be able to know the person.

“So, for now, she’s a good friend, a really good friend and ever since I started showbiz, siya ‘yung pinaka-una kong kaibigan,” katwiran niya.

Very vocal din si Arjo sa pagsasabing gusto niyang makatrabaho si Jane.

“Sinabi ko rin sa kanya ‘yun, sabi ko, ‘as an actor, I really find you good as an actress, you’re one of the best actresses for me and I’m looking forward to be working with you,’” pagtatapos ng aktor.