Aktress at aktor, nagka-one night stand dahil sa Instagram?

BY MISS LYKA

FRESH SCOOPS

4/17/2016 7:04 PM
Aktress at aktor, nagka-one night stand dahil sa Instagram?


041716-blind-item.jpgAng buong akala namin ay mahinhin ang aktres na ito dahil yon ang parang ipino-project niya sa TV after niyang manalo sa isang artista search. Pero front niya lang pala yon, huh! Alam ba ito ng mga nakaka-loveteam niya?

Ayon sa isang kuwento, matagal na raw type ng actress na ito ang isang hunk actor kaya walang kaabug-abog na nag-DM (direct message) siya sa Instagram account nito. Nag-reply naman ang aktor at naging very polite.

Nu’ng una ay kumustahan lang and getting to know ang darama ng dalawa. Pero napunta na ang usapan sa medyo maseselang topic. In short, nagkita ang dalawa.
 
Pero sa kanilang pagkikita, hindi na lang basta ‘getting to know’ ang nangyari. Naging very straight forward kasi ang girl sa pagsasabing type niya ang hunk actor.

Pagkatapos ng nangyari, hindi man lang natsismis ang dalawa na parehong nakakontrata sa magkalabang TV network. Wala ring palitan ng text messages o kung ano pa man kaya “tikiman” lang talaga ang nangyari.

Magbibigay ako ng clue, pero feeling ko hindi n’yo rin mahuhulaan, eh. Ang actress na ito ay kapangalan ng kapatid ng isang presidente. Ang hunk actor naman ay halos kapangalan ng isang dating sexy actor na sikat na sikat nu’ng 80s kapag binaligtad mo ang kanyang name.

Gets n’yo na?