"Nanggaling yan actually sa boss ko mismo at sobrang na-touch ako kasi what could be better? I call them my colleagues, katrabaho ko sila. Hindi ko makakaya ito kapag wala sila. For them to tell me that I’m one of the most grateful and hardworking winners they’ve seen in a ling time, I’m very happy and it drives me to do more. Gusto ko talaga ito eh. Malamang magta trabaho ako ng maige."
Mula ng manalo si Pia bilang Miss Universe, isang beses pa lang daw siya nagkaka day off at okay lang ito sa kanya. "Kapag nandito ako sa Pilipinas wala akong day off at andami ko gusto gawin. Kapag nasa New York ako halos wala rin ako day off actually. Papunta na ako sa fourth month as Miss Universe siguro isang beses pa lang ako nagkaroon ng pahinga."
Papasok pa lang sa ika-apat na buwan bilang Miss Universe si Pia at ngayon pa lang marami na siyang hindi makakalimutan na experience. "Na-realize ko na ang pagiging Miss Universe, trabaho siya hindi yung kinoronahan lang sa TV tapos na at hindi mo na alam ang nangyari doon sa babae. I go to the office all the time we have paper works, we’re doing interviews, I’m answering questions that are sensitive, my opinion on certain topics and educating myself on what’s going on around me at nag-aaral ako. Pinag-aaralan ko ang advocacies ko. Hindi siya basta pagandahan lang," pagtatapos ni Pia.