• Home
  • Fresh Scoops
  • John Arcilla is happy that ‘Heneral Luna’ continues being a tool to learn about history.

John Arcilla reveals 2 ‘Heneral Luna’ follow up movies are in pre-production

John Arcilla is happy that ‘Heneral Luna’ continues being a tool to learn about history.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/16/2016 10:20 AM
John Arcilla reveals 2 ‘Heneral Luna’ follow up movies are in pre-production
041616-general_main.jpgSuot ang kanyang costume bilang Heneral Luna na nagdagdag ng kinang sa kanyang career bilang aktor, nagpa-interview sa Push.com.ph si John Arcilla para sa nalalapit na pagpapalabas sa free TV ng pelikulang Heneral Luna, isa sa mahahalagang pelikula ng taong 2015. Naikuwento ni John na malaking daan ang nabuksan ng pagpapalabas ng Heneral Luna na isang historical film na mainit na tinanggap ng movie goers. Karaniwan kasing hindi pinapasok ng audience ang ganitong genre noon.

"Mahalaga na tayo kahit na sa pamamagitan ng pelikula dahil yung ibang mga Pilipino. May connotation na boring ang pag-aaral ng history. Gusto ko sabihin na ang history ay ikaw."

Hanggang ngayon ay marami daw papuri at positive comments na natatanggap ni John mula sa mga nakapanood ng kanilang pelikula lalo na ang mga kabataan.

"Patuloy nilang ino-honor ang napanood nila sa Heneral Luna at patuloy silang nage-enjoy na balik-balikan ang kasaysayan at patuloy sila nage-explore na ma-sustain yung naging effect ng Heneral Lunang pelikula sa mamamayang Pilipino."

Original na tatlong bahagi ang proyektong Heneral Luna na masusundan ng Del Pilar na base sa buhay ni Marcelo H. Del Pilar at ang Manuel L. Quezon. Nagbigay update si John na nasa pre-production stage na ngayon ang mga pelikula.

"Niluluto na ang Del Pilar. Definitely baka magsimula na ang shooting before the end of the year. At gusto namin kung hindi man mapantayan ito ay malagpasan [ang Heneral Luna]," kuwento pa ni John.

Mapapanood ang Heneral Luna sa ABS-CBN ngayong May 7.