• Home
  • Fresh Scoops
  • Pogay runner-up and Mr. Gay World Philippines Christian Lacsamana reveals how many girlfriends and boyfriends he has had.

Pogay runner-up and Mr. Gay World Philippines Christian Lacsamana plans to have kids and a wife

Pogay runner-up and Mr. Gay World Philippines Christian Lacsamana reveals how many girlfriends and boyfriends he has had.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/15/2016 08:48 AM
Pogay runner-up and Mr. Gay World Philippines Christian Lacsamana plans to have kids and a wife
041516-ChristianPogay_PUSH.jpgBading man ang kasarian, pero inamin ni Christian Lacsamana na first runner-up ng I Am Pogay ng It’s Showtime at Philippine representative sa Mr. Gay World 2016 na gaganapin sa Malta from April 19 to 23, na gusto rin niyang magkaroon ng asawang babae at mga anak.

“Everybody wants to have a baby who will extend our practices and beliefs as a responsible man po, of course, yes.

“Hindi ko naman po nakikita na mahirap yung ganu’n, ang makapag-asawa ng babae at magkaanak. As long as I am fulfilling my responsibility and duty as a father, it doesn’t matter po if I’m a gay inside.

“Para sa akin po, ang importante don is I am working hard for my children, yung hindi sila nagugutom, tapos eventually mabibigyan ko sila ng magandang future,” paliwanag ni Christian tungkol sa plano niya.

Ayon pa sa kanya, naka-five boyfriends na siya at nine na girlfriends. May nagtangka na rin daw babae na gawin siyang “baby maker” o magpalahi sa kanya kapalit ng pera.

“Pinapapunta niya ako sa Bicol, sagot daw niya lahat basta anakan ko lang daw siya. Sabi ko, busy pa po,” natatawa niyang kuwento. 

Eh, kung hindi na ba siya busy, pagbibigyan na niya ang girl?

Busy pa po kasi, eh. Siguro one at a time,” biro pa niya.

Inamin din sa amin ni Christian na nu’ng panahong sumasali siya sa mga male pageant ay hindi naman siya nabubukong bading nga mga kasamahan niya.

“Kasi magaling po akong magtago, marunong akong magtago. Kasi I never wear po na pambabae na damit. I never did po kahit once,” katwiran niya.

Being gay, nagbigay din ng advice si Chrsitian sa mga kabataang dumaan din sa sitwasyon niya noon.

“They have to follow what they heart dictates them. Because at the end of the day, if you know who you are then you will be able to know what is your purpose in living.

But there will always be a perfect time for everything, for as long as you’re expressing yourself tapos ready ka na, ready na yung mga taong nasa paligid mo, then I believe you have to show your true colors,” pananaw pa niya.

Lastly, tinanong namin si Christian kung hindi ba nagkaproblema ang gender niya sa pagiging teacher niya sa mga estudyante.

Ayon sa kanya, “Actually, it’s all about establishing respect po, how to gain respect from your students po. Dapat walang harassment. It’s a teacher-student relationship no other than that.

“And you know, dapat ma-establish mo rin yung respect sa sarili mo para yung mga bata, ‘oh, teacher ko to, dapat ganito.’”

Nagtapos si Christian ng Bachelor of Secondary Education Major in Music, Arts, Physical Education and Health.

Main photo credit to pageantsentinel.com