• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach is also campaigning for the Miss Universe pageant to be held in the Philippines.

Miss Universe Pia Wurtzbach has a question for the presidentiables

Pia Wurtzbach is also campaigning for the Miss Universe pageant to be held in the Philippines.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/15/2016 09:12 AM
Miss Universe Pia Wurtzbach has a question for the presidentiables
041516-PiaWurtzbach1_PUSH.jpgNandito muli ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach at ito ay para personal na ipasa ang kanyang korona bilng Miss Universe Philippines sa kanyang successor sa coronation night ng Binibining Pilipinas na magaganap sa Linggo April 17. Maingay din ang usapin ngayon na malaki ang chances na dito sa Pilipinas maganap ang susunod na Miss Universe na sinagot naman ni Pia.

"I’m actively campaigning na Miss Universe and Miss Paula Shugart, I’ve been saying this many times, it’s always been her dream to host the pageant here in the Philippines. Wouldn't it be nice to pass on my crown here in the Philippines, too? Para ma-promote na rin ang tourism."

Apat na buwan ng suot ni Pia ang korona bilang Miss Universe. Naiisip na nya kaya ang panahon na matatapos na ang kanyang reign bilang Miss U?

"I don’t want to think about it (laughs). It’s emotional, it’s bittersweet. There are many things to look forward to. I’m happy. I know I’m in good hands with Miss Universe."

At dahil nalalapit na ang elections sa ating bansa, nagpaabot ng katanungan si Pia sa presidentiables.

"We’ve been asking you questions all day, what’s one question that you want to ask us right now. Parang binaligtad mo eh lagi tayo nagtatanong sa kanila ano ba ang plataporma nyo? Ano ba ang balak nyo sa bayan? Ano ang babaguhin niyo? Pero kayo? What are you expecting from us?" pagtatapos ni Pia.