• Home
  • Fresh Scoops
  • Julie Anne San Jose admits her father didn’t want her to join showbiz.

Julie Anne San Jose to bashers: ‘They can’t stop me from doing what I love!’

Julie Anne San Jose admits her father didn’t want her to join showbiz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/15/2016 08:49 AM
Julie Anne San Jose to bashers: ‘They can’t stop me from doing what I love!’
041516-JuliaAnneSanJose_PUSH.jpgTen years na pala sa music industry ang tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Juie Anne San Jose. At para ipagdiwang ang kanyang 10th year sa showbiz, magkakaroon siya ng concert sa Kia Theater on May 4 titled In Control.

“Actually, medyo nai-stress na nga po ako kasi sobrang dami ng requirements na kailangang ayusin sa school. And I’m a graduating student sa Angelicum College sa course na Communication Arts. Pinagsabay ko po talaga yung singing at school ko. Medyo nasanay na rin po ako kasi since high school po.

“Tapos may concert po ako sa Kia Theater, ito ngang In Control, birthday ko rin po kaya sabay-sabay talaga, so ang dami kong celebration na magaganap,” kuwento ng dalaga sa Push.com.ph.

Ano ba ang matinding challanges na pinagdaanan niya sa 10 taon niya sa showbiz?

“Actually, sa 10 years ko, nu’ng unang-una pa lang, si Papa ayaw niya talagang nasa showbiz ako. Nu’ng nagsisimula pa lang, pinapatigil na niya ako kasi wala naman daw akong mapapala dito. Alam mo yung mas marami ka pang gastos kesa kinikita mo?

“Pero siyempre, para po sa akin, yung mga early years ko pa sa showbiz, sabi ko sa kanya, ‘sige, let’s try this na sana mag-work.’ Pero dumating din sa point na parang walang nangyayari.”

Pero kahit pinanghinaan na raw siya ng loob, hindi pa rin talaga siya nag-give-up sa pangarap niyang maging singer.

“Tapos yon, gumawa ako ng sarili kong paraan para ma-showcase ko yung talent ko. Nandiyang gumawa ako ng YouTube videos hanggang sa nagkaroon ako ng shows, concerts. And yung mga challenges naman po, siyempre hindi mawawala yon like yung bashers, lahat naman po siguro may bashers,” patuloy niya.

Eh, paano ba niya hina-handle ang bashers niya?

“Ako naman po, hindi ko lang po sila pinapansin. And they can’t stop me and it won’t stop me from doing what I love. Kasi ito naman pong ginagawa ko ay para sa mga taong nagmamahal sa akin,” katwiran pa niya.

Isa pa sa itinuturing na malaking achievement ni Julie Anne bukod sa pagkakaroon ng Diamond Record Award ay ang makatapos ng pag-aaral.

“Ever since I was a kid, 2 and a half years old pa lang po ako, gusto ko na talagang maging singer. Pinili ko po na pagsabayin ang pag-aaral at pagkanta. Nagkaroon po kami ng deal ni Papa na kailangan dapat honors kahit kumakanta ako, and na-maintain ko naman po yon awa ng Diyos.”

At dahil matataas ang kanyang grades sa school, posible daw na maging cum laude rin siya sa graduation ngayong May 2016.

“Hopefully po,” very humble niyang pahayag.

Main photo credit to Julia Anne San Jose's Instagram