• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez says she is flattered she continues to be an inspiration for young singers

Regine Velasquez says she is flattered she continues to be an inspiration for young singers

Regine Velasquez is happy she remains an inspiration for aspiring singers.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/14/2016 9:41 AM
Regine Velasquez says she is flattered she continues to be an inspiration for young singers


041416-RegineVelasquez_PUSH.jpgNagbabalik sa concert scene ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa PLDT Regine series 2016 kung saan libreng mapapanood ng fans. Nagsimula na ang concert series na ito ni Regine last Sunday, April 10 sa SM City Bacoor at base sa reaction ng audience, sulit ang kanilang panonood ng magkakasunod na kinanta ni Regine ang classic hits gaya ng “Tuwing Umuulan,” “Fallin,” “All I Ask of You,” “Ako’y Iyong Iyo” at “Hinahanap Hanap Kita,” kasama pa ang Clair Marlo Medley at ang current hits na “Rather Be,” “Hello” at “Without Me.”

"Last year, I had five shows at nami miss ko talaga ang pagkanta. Kaya kapag kumakanta ako I really give it my all para matuwa naman ang mga nanonood."
Kahit na ilang beses ng nakapuno ng major venues sa ating bansa at abroad sa kanyang concerts, mas pinipili pa rin ni Regine ang smaller venues para mas personal daw ang kanyang performance.

"I’m more confortable singing in a smaller venue yung nakikita ko ng malapitan ang tao. I don’t know why pero mas gusto ko na nakikita ko ang mukha at expression na nakikita ko sila kapag kumakanta na ako."

Sa nauuso na naman ngayon na mga singing contest gaya ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, bilang isang singer at produkto ng singing search, malaking bagay ito para kay Regine.

"I’m very flattered at nakakatuwa na nakaka-inspire tayo ng young singers at hanggang ngayon nakaka relate sila sa buhay ko yung kung paano ako nagsimula," pagtatapos ni Regine.

Main photo credit to PLDT