Lino Cayetano leaves politics to direct ‘My Super D’

Lino Cayetano admits he may return to politics one day.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/14/2016 09:46 AM
Lino Cayetano leaves politics to direct ‘My Super D’
041416-LinoCayetano2_PUSH.jpgBumalik na ulit sa ABS-CBN si Lino Cayetano para idirek ang pinakabagong TV series ng Dreamscape Entertainment na My Super D na pinagbibidahan ni Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Raikko Mateo, at Bianca Manalo.

Ayon kay Direk Lino, magpapahinga muna siya sa pulitika. “For now, I’m focusing on directing. Dito muna ako. Siguro ito talaga yung calling ko, eh.”

Pero hindi raw naman niya sinasabi na hindi na ulit siya papasok sa pulitika.

“I don’t know. Hindi totally wala na sa plano ko yon (politics), pero naniniwala kasi ako na kahit naman dito sa showbiz, sa trabaho natin, puwede rin naman tayong makatulong sa ibang tao at sa kanilang mga ipinaglalaban.

“Napakalaking impluwensiya ng TV sa pag-shape ng mga desisyon nila sa buhay... kahit na magsalita ka sa harap ng maraming tao, iba pa rin yung napapanood ng tao sa TV and I’m happy na nabigyan ulit ako ng Dreamscape at ng ABS-CBN to do My Super D kasama si Direk Frasco (Mortiz),” paliwanag pa niya.

Malaking bagay din daw na pareho na silang tatay ng co-director niya at alam niyang malaki rin ang maiko-contribute niya sa landscape ng programa.

Samantala, nagmistulang Father’s Day naman ang grand presscon ng My Super D dahil nagbigay ng kani-kanyang tribute ang mga bidang artista, directors at writers kung bakit nila nasabing super dad ang kanilang tatay.

Sa case ni Direk Lino, ibinihagi niya ang ilan sa memorable experiences niya kasama si Sen. Rene Cayetano nu’ng nabubuhay pa ito.

“My dad was a fighter. Lumaki kami na my dad was fighting for the things that he believed in. Parang yung memories namin is yung nasa EDSA kami habang may mga helicopter sa taas. Yon yung mga childhood memories ko,” pagre-recall pa niya.

“Gigising ako sa gabi nasa isang kuwarto kami lahat, nasa pintuan siya, may shotgun dahil abogado siya ng mga rebelde. Lumalaki kami na minsan yung mga pinagtatanggol niyang biktima ng mga karahasan ay dadalhin niya sa bahay, don matutulog kasi hindi safe.

“So, we really live the life na nakikita namin sa daddy na parang totoong super hero siya. We look at him that way and until sumalangit na rin siya, literally a piece of me is with him (si Direk ang nagdonate ng parte ng kanyang liver sa kanyang ama para sa transplant)7, but I think more than that a piece of him is with us.

“Tinuro niya sa amin the day before he died...  ‘puwede na ba akong pumasok bukas?’ Eh, buto’t balat na siya no’n, hindi niya nakikita ang katawan niya na hindi na niya kayang lumakad. Pero in his mind, he wanted to work the next day, so that’s the type of fighter he was,” kuwento pa ng director.

Ganito rin daw more or less ang values na ipakikita ng My Super D sa televiewers.

“Fathers are very special to all of us like mothers, pero may certain emotional barriers sometimes with fathers and when you begin to talk about it nalalabas mo yung mga bagay na sa kultura natin, eh, hindi laging nalalabas. It’s very interesting and you’ll see it in the show,” sabi pa ulit niya.

Kasama din sa My Super D sina Sylvia Sanchez, Myrtle Sarossa, Jason Francisco, Jayson Gainza, Ryan Rems, Atoy Co at marami pang iba. Magsisimula na itong mapanood sa April 18 bago ang TV Patrol.