• Home
  • Fresh Scoops
  • Dominic Ochoa feels very blessed because of his lead role in ‘My Super D.’

Dominic Ochoa says he’s very happy to finally get his first lead role in ‘My Super D’

Dominic Ochoa feels very blessed because of his lead role in ‘My Super D.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/14/2016 09:57 AM
Dominic Ochoa says he’s very happy to finally get his first lead role in ‘My Super D’
041416-DominicOchoa_PUSH.jpgAfter almost two decades in the showbiz industry, hindi inakala ng aktor na si Dominic Ochoa na darating pa ang pagkakataon na makakakuha siya ng title role sa teleserye.

Si Dominic ang bida sa My Super D TV series ng Dreamscape Entertainment na magpa-pilot telecast na on April 18 bago mag-TV Patrol.

“I’m very thankful and blessed when they offered me this role. Isa ito sa lalong nagpasaya ng Pasko sa akin last year nu’ng binalita nila ito. And siyempre, ikinagagalak ko na gampanan yung role,” reaksyon niya sa tiwalang ibinigay sa kampanya ng TV network.

Ayon pa sa magaling na aktor, “It didn’t matter naman to me whether it’s small or big (role) or whatever. Kahit anong role naman po na binibigay sa atin, ang akin lang, I want to make sure na you give 200 percent ng kakayahan mo. Kung sa tingin ng iba ay hindi sapat, sa akin, basta I make sure na gagalingan at gagalingan ko pa.”

Timing din daw ang pagdating ng My Super D sa kanya lalo na ngayong isa na siyang tatay.

“Natutuwa ako dahil nataon na itong role ko, isa akong ama sa apat na taon na bata and ito rin yung tinatalakay ngayon sa istorya ng show – yung relasyon ng isang ama at anak.

“Excited akong gawin yung role ko at makapagbahagi ng good values sa tao. Ganu’n naman yung mga shows na ginawa ko dati sa Dreamscape like May Bukas Pa, they always impart good values,” sabi pa ng aktor.

Eh, sino nga ba ang paborito niyang super hero at bakit?

“Favorite superhero ko si Iron Man. Totoong tao kasi siya. Pag pinanood mo siya, normal na tao. Tapos pag may kailangang tulungan, bigla na lang siyang dadating,” sagot niya.

Pero never daw niyang naisip na darating ang panahon na magpo-portray siya ng super hero sa TV.

“Not in my wildest dream. Nataon lang talaga, kasi may panahon na before ako tawagan ng Dreamscape for this project, nataon lang din na yung anak ko, binilhan ng mommy niya ng puro superhero (costumes), kasi kailangan niya sa school.

“Kahit hindi siya pang-super hero, ginagawa niya yung pajama na superhero outfit gabi-gabi. So eventually, nu’ng sinabi sa akin ’to, ako yung na-excite para sa anak ko. Makakapagpagawa na ako ng superhero costume para may pantulog na yung anak ko,” excited niyang pahayag.

Samantala, inamin din ni Dominic na hindi pa pala siya nakag-portray ng lead role kahit kailan sa teleserye until dumating ang My Super D.

“I never had a lead role, honestly!” pagtatapat niya.

“Sa MMK (Maalaala Mo Kaya) siguro, mga ganyan, pero hindi sa teleserye. Mostly third party lang talaga ako.

“You know, when I started naman, hindi rin ako nag-expect na maging bida talaga kaya siguro never din talaga ako nabigyan ng lead role, hahaha,” pagbibiro pa niya.