• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Manalo, Dominic Ochoa, Sylvia Sanchez cry as they remember their fathers.

Bianca Manalo, Dominic Ochoa, Sylvia Sanchez share emotional stories of their dads

Bianca Manalo, Dominic Ochoa, Sylvia Sanchez cry as they remember their fathers.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/13/2016 09:08 AM
Bianca Manalo, Dominic Ochoa, Sylvia Sanchez share emotional stories of their dads
041316-BiancaDominc_PUSH.jpgHindi inaasahan na babaha ng luha sa press conference para sa bagong teleseryeng Super D ng Dreamscape sa Dolphy Theater kagabi. Nagkaroon kasi ng bahagi ang presscon kung saan isi-share ng lead cast ng serye ang masasayang alaala kasama ng kanilang mga tatay.

Si Dominic Ochoa na lead role sa Super D inamin na ‘di nya napigil ang pag-iyak ng makita ang picture ng kanyang ama sa LED screen. "We didn’t expect that there was a video of our dads. Sabi nga ni Tito Nonie napindot ang button kung saan tayo medyo sensitive but in a way it’s remembering our dads and what they’ve done for us."

Si Bianca Manalo na nagbabalik teleserye matapos ang On The Wings Of Love, pinakamatagal na umiyak dahil namaalam na ang kanyang ama at katatapos lang ng kaarawan nito na hindi na nila ito kasama. "Ako po kasi ang daddy’s girl. Lagi niya tinitiis lahat para sa pamilya up to the last minute of his life gusto niya siya pa rin. Ayaw niya maging burden sa amin."

Si Sylvia Sanchez sinabi na hanggang ngayon ayaw na ayaw niya makakatanggap ng call slip na ang location ay sa Luneta o sa Manila Zoo. "Ngayon ko lang ito sasabihin kasi noong bata pa ako inabanduna kami ng tatay ko. At ang tanging alaala ko sa kanya eh yung pinasyal niya ako sa Luneta at sa Manila Zoo kaya hanggang ngayon kapag nandoon ako sa mga lugar na yan umiiyak talaga ako."

Bihira nga naman na matuon ang pansin ng isang palabas sa pagmamahal at sakripisyo ng mga ama para sa kanilang pamilya. Kayat sa seryeng Super D ito ang kakapitan ng kuwento at ng pagmamahalan sa loob ng isang pamilya.

Mapapanood na ang Super D ngayong lunes April18 bago mag TV Patrol.