• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga recalls how she cried when Alex came to her crying

Toni and Alex Gonzaga recount and tear up over a recent ‘drama moment”

Toni Gonzaga recalls how she cried when Alex came to her crying

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/12/2016 08:58 AM
Toni and Alex Gonzaga recount and tear up over a recent ‘drama moment”
041216-ToniAlex_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, nagbukuhan ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga tungkol sa special closeness nila sa isa’t isa.

Sinabi ni Toni na “masaya at tahimik” ang buhay niya sa piling ng asawa na si direk Paul Soriano pero may mga oras na hinahanap niya ang kapatid. Pambubuko pa ni Alex, “Sino laging tawag nang tawag pag hating gabi?”

Ani Toni, “Oo, minsan pala gugustuhin mo rin yung may mga loka-loka sa tabi mo. Yung parang kailangan mo rin ng konting magugulo. Tapos alam mo yun nalagay ako sa literal na tahimik.” Kuwento ni Toni na sila kasi ni Paul ay “normal” lang kung mag-usap. “Normal conversation, how was your day, kamusta yung trabaho …”

Ayon kay Toni, iba kasi kapag si Alex ang kausap niya at iba-iba rin ang napag-uusapan nila. “Ito ewan ko iba-iba, minsan tungkol sa make-up, tapos habang nagme-make-up, (gagayahin si Alex na nagbe-breakdown bigla), ‘ang sakit na nang dibdib ko, Ate!’” 

Kuwento pa ni Toni tungkol sa kapatid, “umalis si Paul pumuntang Berlin…so umuwi ako, sa kuwarto niya (Alex) ako natutulog ‘pag umuuwi ako, nanunuod ako ng TV. So eto na pumasok siya, nagtext muna pala siya ng ‘Ate dot dot dot’  Mamaya eto na bumubukas ang pinto, sabi niya, (ginagaya si Alex na humahagulgol) ‘hindi ko na kaya!’ Akala ko nagbibiro, (then sabi ni Alex), ‘Ate sobrang nang sakit!’” Kuwento pa ni Toni, inihiga pa diumano ni Alex ang ulo nito sa kanya at yumakap ito. Sa puntong ito, naiyak na rin si Toni, at sinabi niya sa kapatid habang grabe ang iyak nila na, “‘wag ka nang maiyak, ganyan talaga ang buhay. Catherine okay lang yan, kaya mo yan!” 

Habang kinukwento nila itong pangyayaring ito ay hindi mapigilang maiyak rin ni Toni at Alex.

Pero pagpapatuloy ni Toni, pumasok diumano si Mommy Pinty at “binasag ang drama moment namin.” 

Dagdag naman ni Alex, “nung umiiyak ako, naisip ko talaga, shucks na-experience ko na yung na-experience ni Vice (Ganda).”

Sagot naman ni Vice, “at least yung sa akin bumalik, yung sayo lumayo lalo!”

Sobrang na-appreciate naman ni Alex ang moment nilang yun ni Toni. “Dun ko nafeel talaga... Kasi ang Ate ko kapag umiiyak ako lagi akong pinagagalitan, ‘kasi ikaw ganyan.’ Pero nung time na yun umiyak siya, iyak siya nang iyak, sobra yung iyak niya… Tapos sabi ko Ate, puwede wag mo na lang ako papagalitan. Yakapin mo na lang ako. Sabi niya kaya ako nandito para dun.” 

Pagtatapos ni Toni tungkol sa relationship niya with Alex, “sisters by blood, best friends by choice.”