• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion admits she doesn’t want to work with mom Sharon Cuneta for now.

KC Concepcion reveals why she’s not ready to work with mom Sharon Cuneta

KC Concepcion admits she doesn’t want to work with mom Sharon Cuneta for now.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/12/2016 09:18 AM
KC Concepcion reveals why she’s not ready to work with mom Sharon Cuneta
041216-KCConcepcion_PUSH.jpgMula ng pormal na pasukin ni KC Concepcion ang mundo ng showbiz, marami na ang nag-aabang ng proyektong pagsasamahan nila ng kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta. Mapa-teleserye man ito o pelikula, marami ang nasasabik na makita ang celebrity mother and daughter sa isang project.

Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi pa ito nangyayari hanggang ngayon? Sinagot ni KC ang tanong. "Kasi ayoko kasi kinakabahan ako kasi siyempre parang too close for comfort kasi siya na yan eh. She knows sabi ko, ‘Ma hindi ko kaya umarte sa harap mo!’"

Nakasama na ni KC ang kanyang ama na si Gabby Concepcion sa isang pelikula na I’ll Be There For You ng Star Cinema na ipinalabas noong 2010. Sa kaso na makakasama ang kanyang nanay na si Sharon, huwag daw muna sa ngayon, ayon kay KC.

"Parang na kasi kaming reality show, parang Kardashians pinapanood na ang buhay namin di ba? Parang movie na kasi ang real life namin eh so yun na lang muna."

Alam ni KC na marami siyang matututunan sa kanyang pakikipag-trabaho with Sharon pero mukhang hindi pa ito magaganap sa ngayon. "Ayoko talaga gusto ko sana pero nahihiya ako kay Mama. I will learn so much from my mom super. I’m sure pero makiki-sit in na kang ako sa shooting nya para matuto sa mga ways niya parang ganun," pagtatapos ni KC.