• Home
  • Fresh Scoops
  • Edgar Allan Guzman also gives an update on his other projects.

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman to revive Nina’s ‘Someday’ and UpDharmadown’s ‘Tadhana’

Edgar Allan Guzman also gives an update on his other projects.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/12/2016 09:14 AM
EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman to revive Nina’s ‘Someday’ and UpDharmadown’s ‘Tadhana’
041216-EAGuzman_PUSH.jpgHabang hinihintay pa ni Edgar Allan Guzman kung kailan ang playdate ng pelikula nila ni Michael Pangilinan na Pare, Mahal Mo Raw Ako, abala muna ang singer-actor sa paggawa ng kanyang album mula sa Star Music.

“Sabi kasi baka May daw yung showing namin, pero wala pang confirmation. But definitely, this year yon ipalalabas,” balita sa Push.com.ph ni EA.

“May tinatapos din akong album ngayon, first ko sa Star Music at sobrang excited ako dito. Wala pang final title yung album, pero ang gaganda ng mga songs.

“Ire-revive ko sa album yung kanta ni Nina na ‘Someday.’ Bibigyan ko ng sariling interpretasyon yung song nila ni Nyoy (Volante). Tapos ire-revive ko rin yung song ng UpDharmaDown na ‘Tadhana,’” excited pa niyang kuwento.

Ayon pa sa binata, half-way na rin ang movie nila ni Alex Gonzaga na I’ll Never Get Over You.

“Malapit na ring matapos yung movie. Isa rin yon sa dapat nilang abangan,” sey pa niya.

Nang tanungin namin siya kung masaya ba siya sa exposure niya ngayon sa afternoon series na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes, sabi ni EA, “Oo naman. Okey naman ako sa Doble Kara.

“Sa book 2 ng Doble Kara, mas mapapanood nila yung character ko. Abang-abang lang muna sila. Hehehe!”

Samantala, mahusay na nagampanan ni EA ang role ng gay na di pa out sa Pare, Mahal Mo Raw Ako. Nag-i-expect ba siyang mapansin at magka-award sa pelikula?
 
“Ayoko po talagag mag-expect, ayoko talaga. Kasi pag nag-i-expect ako, nasasaktan ako. Pero kung papalarin na mabigyan ng nominasyon or ng award, why not? Maraming-maraming salamat.

“Kumbaga, matagal na ring panahon na hindi ako nano-nominate at nananalo ng award, kaya nga binigay ko yung best ko dito para makita nila na kahit sumasayaw ako, nag-Your Face Sounds Familiar, eh, mahal ko pa rin ang pag-arte, na ando’n pa rin, at hindi pa rin nawawala yung acting sa akin,” pahayag pa niya.