• Home
  • Fresh Scoops
  • Julio Diaz’s brother asks for projects for Julio if he survives health ordeal.

Celebrities help Julio Diaz

Julio Diaz’s brother asks for projects for Julio if he survives health ordeal.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/12/2016 08:54 AM
Celebrities help Julio Diaz
041216-JulioDiaz_PUSH.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, kailan lang umapela ng tulong ang pamilya ng batikang aktor na si Julio Diaz dahil sa pagkakaroon nito ng brain aneurysm na siyang dahilan kung bakit siya ngayon nakaconfine sa ICU (Intensive Care Unit) ng St. Luke’s Global Taguig. Nawalan ng malay si Julio noong Sabado, April 9, sa kanyang bahay sa Bulacan.

Dininig naman ito ng mga kapwa niyang taga-industriya na nagpaabot ng tulong kay Julio sa pangunguna nina Coco Martin, Jaclyn Jose, Direk Dante Mendoza, Mario Delos Reyes, Cherry Pie Picache, Robin Padilla, at iba pa. 

Nakakabilib rin ang kampanya ng Actor’s Guild na “Four for Julio” o or four thousand pesos na tulong mula sa bawat member nito. Merong 250 members ang Actor’s Guild.

Tatlong araw pa tututukan ang aktor sa ICU at kung malalampasan man ni Julio ang pagsubok na ito, hiling ng kanyang pamilya ay trabaho para kay Julio. Ayon sa kanyang kapatid, “kakapalan ko na ang mukha ko. Trabaho na lang po. There’s still so much in him that he wants to share. I hope he’s given that chance.”