• Home
  • Fresh Scoops
  • Carol Banawa talks about her song “Bakit Di Totohanin” and her life in the US

Carol Banawa shares how “The Vampire Diaries” got her song “Bakit Di Totohanin”

Carol Banawa talks about her song “Bakit Di Totohanin” and her life in the US

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/11/2016 11:07 AM
Carol Banawa shares how “The Vampire Diaries” got her song “Bakit Di Totohanin”
041116-CarolBanawa_PUSH.jpgSa Rated K, masayang binalita ni Carol Banawa kung paano siya nakatanggap ng sulat mula sa staff ng American series na “The Vampire Diaries.” Humingi sila ng pahintulot na gawing musical score ang kanta ni Carol na “Bakit Di Totohanin” para sa isang episode ng naturang series. 

“Nakatanggap ako ng e-mail, mga last week of February. Tapos yung title nung e-mail ‘Bakit Di Totohanin,’ ‘The Vampire Diaries,’ Episode 716. So sabi ko, why my song for an American TV series? Tapos sumagot siya sabi niya kasi nga meron daw scene for that episode where the characters are in the Philippines, so they wanted to make the scene look and sound authentic that's why they decided to use a Tagalog song,” lahad ng dating singer sa kanyang interview.  

Umere ang episode noong April 1, 2016 at nag-trending ito sa social media matapos mapanuod ng Pinoy netizens ang naturang episode kung saan ginamit ang kanta ni Carol. Ang kantang “Bakit Di Totohanin” ay hit Pinoy music noong 1997 at ginamit din itong theme song para sa pelikula ni Judy Ann Santos at Piolo Pascual na may kaparehong title noong 2001. 

Ani Carol, “I’m just lucky and all I can think of is it’s God’s work kasi out of all the songs parang kanta ko pa ang napili.” 

Ibinalita rin ni Carol kung kumusta na ngayon ang buhay niya. 

“I am a Mom of two beautiful kids and I’m also a wife. And… I’m working on becoming an RN (registered nurse.)”