Exclusive: Garie Concepcion says she is not meant to be a beauty queen

Garie also reveals her mom is her worst critic.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/11/2016 12:42 AM
Exclusive: Garie Concepcion says she is not meant to be a beauty queen
041116-GarieConcepcion_main.jpgItinanggi ni Grace Ibuna na stage mother siya sa anak na si Garie Concepcion. Pinapayuhan lang daw niya ang anak at gina-guide para mas maging okey ang performance ng dalaga.
 
“Hindi ako stage mom. Pag may show lang siya, gusto ko lagi na pitch perfect siya. I make sure that she enunciates well when she sings. Kasi, di ba yung longevity ng singer... you know when you sing well, I think you will last,” rason agad ng nanay ni Garie.

Eh, paano ba naman tine-take ni Garie ang mga criticisms ng mommy niya?

“That’s normal sa aming mag-ina,” tugon agad ni Grace.

“Wala naman siyang violent reaction. Ang bahay namin very peaceful. Para kaming may martial law, joke! Pero peaceful kami,” pabiro niyang pahayag.

Hindi pa ba napahiya si Garie sa ginagawa niyang pagpansin sa singing style nito?

“Hindi naman. No, it’s just because I was screaming, ‘sharps, flats...’ and other people took it seriously.

“I love music, that’s our morning and night ritual, so I’m very careful with those notes. I’m very particular with the notes kaya ganu’n ako kay Garie, I’m her number one critic and fan,” paliwanag pa niya.

Kinuha na rin namin ang reaksyon ni Garie sa pag-critize sa kanya ng mom niya lalo na pagdating sa pag-hit niya sa notes na kinakanta.

Ayon sa dalaga,  “Pagdating naman po sa ganu’n naiintindihan ko naman po si Mommy. Siyempre, she only wants the best for me. Gusto niya parati okay kasi perfectionist yang si mommy, eh.”

Normal din daw na nagkakaroon sila ng pagtatalo pero naaayos din daw naman ito agad.

“Minsan, may ano, may pagtatalo kami kasi nai-stress na ako pero after a while naman naiintindihan ko naman siya,” sabi pa niya.

Aminado si Garie na minsan talaga ay hindi maiwasang magkaproblema siya sa kanyang pitch kaya raw dire-diretso pa rin ang pag-aaral niya.

“I’m still studying po, siyempre yung  pag-aaral ko is very consistent then I still take voice lesson. I think that’s one thing naman na dapat hindi ihinto.

She always encourages me. Minsan may days lang ako na, ‘ah, okey!’ Yung ganun, pero once naman na naumpisahan ko na, nagtutuluy-tuloy na rin naman.”

Dahil pang-beauty queen ang feature ni Garie, naisipan ba niyang sumali ng beauty pageant noon?

“Meron po, last year meron pong nag-offer kaya lang hindi po natuloy, eh. Medyo nagkaproblema lang po, so sabi ko baka hindi meant to be. So, balik kanta ako. He-he-he!

“Actually, ever since nu’ng bata po ako never kong nakita ang sarili ko na beauty queen talaga, singing and acting po talaga ang gusto ko,” pagtatapos ng anak ni Gabby Concepcion kay Grace.