• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez Melendez admits she doesn’t want to be a grandmother yet.

EXCLUSIVE: Aiko Melendez teaches son Andrei to use ‘protection’

Aiko Melendez Melendez admits she doesn’t want to be a grandmother yet.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/10/2016 09:09 AM
EXCLUSIVE: Aiko Melendez teaches son Andrei to use ‘protection’
041016-Aiko_up.jpgBinata na ang anak ni Aiko Melendez kay Jomari Ylanna na si Andrei. At palibhasa’y parehong artista ang mga magulang, nagdesisyon na rin si Andrei na pasukin ang showbiz.

Ayon sa kuwento ni Aiko, tuwang-tuwa si Jomari nang ibinalita niya na nag-pictorial na si Andrei for Star Magic.

“Teary-eyed siya (Jom). Natuwa siya kasi may susunod na sa footsteps namin bilang artista,” kuwento pa ng aktres na napapanood sa hit primetime series ng ABS-CBN na The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

As a mother, hindi istrikto si Aiko. Hinahayaan daw niya si Andrei sa mga desisyon nito sa buhay. Maging sa pagpasok sa shwowbiz, hindi raw niya pinilit ang anak.

Gusto niya rin, eh. Kasi siguro nga, nasa dugo namin ni Jom, di ba, kaya namana niya talaga. Kami naman ni Jom, willing kami to support Andrei sa gusto nitong gawin showbiz man yan o kung anuman. Bilang magulang, ganu’n ka dapat sa mga anak mo, di ba,” paliwanag ng aktres.

Eh, what if biglang makabuntis ang panganay niya? Ano ang kanyang magiging reaksyon?

“Maha-heart attack ako!” tumitili niyang sagot.

“Seventeen lang siya at hindi ko kakayanin, di ba? Sabi ko sa kanya talaga, ‘Anak, magiging modern na akong ina ha, sabi ko, you have to use protection (condom). You have to bring your protection always.’

Kasi siyempre, I don’t want naman to buy it for him, mahihiya yon sa akin. But at least, nasabi ko na dapat protected siya, that’s why pro RH Bill ako. Hehehe,” sabay tawa niya nang malakas.

Ang medyo nakakaloka lang daw, tuwing magtsi-check si Aiko ng wallet ni Andre ay wala siyang nakikitang condom dito.

Palihim kong tsini-check para sigurado, di ba? Ang nakakaloka, wala akong nakikita sa wallet niya. O baka naman sa iba nakatago, di ba?

“Next time ire-remind ko ulit siya to always bring protection. Para rin naman sa kanya yon. Mas okey na yung nag-iingat. Hindi ko pinangarap na maging lola agad, ‘no!” pahayag pa niya.