• Home
  • Fresh Scoops
  • 2014 Miss Universe Philippines MJ Lastimosa serves as host for the special parade coverage.

2016 Binibining Pilipinas candidates sizzle at the annual parade of beauties

2014 Miss Universe Philippines MJ Lastimosa serves as host for the special parade coverage.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/10/2016 09:09 AM
2016 Binibining Pilipinas candidates sizzle at the annual parade of beauties
041016-Mj_up.jpgSummer at makulay ang naging tema ngayong taon ng annual parade of beauties ng Binibining Pilipinas na naganap sa Araneta Center sa Cubao. Agaw eksena ang floral nilang headress, kanya-kanyang cheering fans ang 40 candidates na bumubuo ng batch ngayong 2016. Suot ang kanilang floral swimwear at sakay ng top down na mga kotse, ipinarada sila at nakipag bonding sa kanilang fans na kahit mainit ang panahon ay nagtiis at hinintay ang kanilang mga bet na kandidata.

Kasama rin at huling float ang sinakyan ng reigning queens na sina Janucel Lubina (2015 Binibining Pilipinas International); Rogelie Catacutan (2015 Binibining Pilipinas SupraNational) at Christy McGarry (2015 Binibining Pilipinas InterContinental).

Ang 2014 Miss Universe Philippines na si MJ Lastimosa ang nagsilbing special coverage girl para sa event at marami ang nag-comment na mukhang mag-e-excel si MJ sa bago niyang career at pwede rin na maging host.

Nakausap natin si MJ at nagbigay siya ng comment sa present batch of candidates ng Binibini. "Nakakamangha sila kasi lahat sila prepared at alam nila kung gaano kahigpit ang labanan ngayon. Malaki ang naidulot ng magkakasunod na panalo natin sa ibang bansa lalo na ang kay Pia Wurtzbach sa Miss Universe dahil maraming Pinay ang na inspire." May mga bets na si MJ sa mga titles at stake para sa Binibini pero baka daw magbago pa ang kanyang desisyon dahil magagaling ang karamihan sa batch na ito ng mga kandidata.

Mapapanood ang coronation night ng Binibining Pilipinas sa April 17.