• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon says the Hashtags are not really out to compete with each other.

EXCLUSIVE: McCoy de Leon reveals whom he thinks is the most popular Hashtags member

McCoy de Leon says the Hashtags are not really out to compete with each other.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/01/2016 09:51 AM
EXCLUSIVE: McCoy de Leon reveals whom he thinks is the most popular Hashtags member
040116-McCoyDeLeon_PUSH.jpgMcCoy admits kung sino sa member ng Hashtags ang pinakasikat

Dahil unti-unti nang nakikilala sa showbiz ang grupo ng Hashtags na napapanood sa It’s Showtime tuwing tanghali, hindi na rin maiwasang pagkumparahin ang mga miyembro nito.

Sa Hashtags, parang mas visible si McCoy sa TV dahil sa kanyang TV series na We Will Survive na pinagbibidahan nina Melai Cantiveros at Pokwang. Partner siya sa series ni Maris Racal.

“Pero si Ronnie (Alonte) din po. Meron siyang MMK dati, tapos nag-a-ASAP din siya. May mga raket din po siya. Minsan hindi na nga siya nakakapasok sa Showtime dala ng pagod, pero naiintindihan ko naman po,” pahayag ni McCoy tungkol kay Ronnie.

Eh, sino ba sa palagay niya ang pinakasikat sa mga kasamahan niya sa Hashtags?

“Para sa akin po, parang si Ronnie po talaga. From the start naman po, si Ronnie po talaga ang pinakaklik po sa amin. Ang dami niya rin pong fans, ibang klase po talaga si Ronnie,” very humble niyang pahayag.

“Ako po kasi, parang tina-try ko rin lang yung best ko para siyempre mapantayan or mahigitan din. Siyempre, sa Hashtags po, kailangan may kompetisyon din, lalo na pare-pareho kaming lalaki,” dagdag niya.

So, itinuturing ba niyang si Ronnie ang matindi niyang kakompetensiya?

“Hindi naman po sa ganu’n… para sa akin, siya yung dapat na gayahin. Si Ronnie, lahat ng moves niya patok palagi, mga kanta niya, videos niya.

“Siguro ako, iba yung atake ko. More on acting yung sa akin, more on sa serye… eto nga, may We Will Survive ako. Siya siguro kasi, mas gusto niyang mag-perform o kumanta… yon po,” katwiran ni McCoy.

“Pero para sa amin ni Ronnie wala namang (kompetisyson). Go with the flow lang kaming dalawa. Masaya kami para sa isa’t isa,” paglilinaw pa niya.

Sa ibang miyembro ng Hashtags, meron din bang kompetisyon?

“Sa mga nagyayari po sa amin, masaya naman po kami. Never naman po kaming nagkainggitan,” sagot niya.

Ipinagmalaki rin ng binata na lahat sila ay magkakaibigan sa grupo lalo na kapag offcam.

“Mas friends pa nga po kami pag off cam, eh. Kasi nga, di ba, pagkasayaw, ano yan, eh, hatawan yan pagka sa TV. Pero pag-off-cam, lalong… mas natural kami,” sey pa niya.

Nang tanungin namin siya kung nagku-compare notes din ba sila pagdating sa mga babae ay natawa ang binata.

“Sa amin po kasi parang hindi na namin naiisip yon, eh. More on ano kami, ano ba yung sayaw namin bukas, saan kaya kami maggi-guest, magkaka-show ba kami? Pero siyempre, parang inspiration din yung ibang babae,” nakangiti niyang pahayag.