• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Munoz also talks about her boyfriend being very understanding of her sexy roles.

Arci Muñoz reacts to rumors of her ‘death’ on social media

Arci Munoz also talks about her boyfriend being very understanding of her sexy roles.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/01/2016 10:02 AM
Arci Muñoz reacts to rumors of her ‘death’ on social media
040116-ArciMunoz_PUSH.jpgSexy at blooming ang Kapamilya star na si Arci Munoz habang rumarampa suot ang bagong designs ng Dickies Intimates na siya ang endorser sa isang events place sa BGC. Thankful si Arci sa magkakasunod na blessings sa kanyang career partikular na sa katatapos lang na teleseryeng Pasion de Amor at ang box office movie nila ni Gerald Anderson na Always Be My Maybe. Naibahagi ni Arci na binubuo na ngayon ang isang teleserye at isang pelikula na para sa kanya.

"Meron kaming gagawin na bagong soap and bagong movie very soon pero hindi pa namin na didiscuss masyado ang details pero very soon."

Kahit na sexy image at busy ang schedule, mas napapamahal daw kay Arci ang kanyang boyfriend dahil naintindihan nito ang kanyang trabaho kaya’t tumatagal ang kanilang relasyon hanggang ngayon. "I’m just thankful that he is very supportive and understanding kasi ‘di ba alam mo naman sa showbiz kapag ang partner mo hindi naman from showbiz hindi niya naintindihan usually. Pero kapag ini-explain ko naintindihan nya naman."

Nagbigay reaction naman si Arci sa kumalat na balita sa social media bago mag semana santa na namatay siya sa isang car accident. Nag-edit pa daw ang salarin ng kotseng total wreck at inilagay ang kanyang picture na mukhang bagong gising. "Natawa nga ako. Gusto ko actually mag-tweet na ano spirit ito ni Arci pero sabi ko ‘wag na nga lang, ‘wag na patulan. Sikat ako eh pinatay na ako eh! (Laughs)"

Walang plano magsampa ng reklamo si Arci sa nangyari pero sana daw ay di na ito maulit dahil nag-alala ang kanyang pamilya at mga kaibigan.