• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim says when it comes to her body type, she probably inherited her dad's genes.

Kim Chiu reacts on pregnancy and retoke issue

Kim says when it comes to her body type, she probably inherited her dad's genes.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/10/2016 12:52 AM
Kim Chiu reacts on pregnancy and retoke issue
030916-KimChiu_PUSH.jpgSampung taon na sa showbiz ang chinita princess na si Kim Chiu at bahagi ng celebration niya ang isang concert na may pamagat na "Chinita Princess Funtasy Concert" na magaganap sa April 9 sa Kia Theater sa Cubao.

Ngayon pa lang, sinasabi na ni Kim na hindi siya singer at dancer, basta pagbigyan na daw siya sa kanyang talent na ipapakita sa gabing iyon.

"Basta magiging masaya po at entertaining ang gabing yan para sa atin lahat pasasalamat na rin po yan dahil ten years na tayo magkakasama," sabi ng aktres.

Dito rin nagsalita si Kim sa mga issue na matagal ng usap usapan tungkol sa kanya. Una na dito ang retoke issue na diumano ay nagpaayos siya ng ilong.

"Matagal na po issue yan. Nabangga po dati ang car na sinasakyan ko at sumubsob ako sa salamin ng kotse kaya dumugo ang nose ko. (Hinawakan ni Kim ang kanyang ilong at pinindot ito) Ganyan na po talaga yan (laughs)."

Sa usapin naman na buntis daw siya, natawa na lang si Kim.

"Naku pusunin lang po talaga ako maski mga kapatid ko. Kapag tumataba po ako sa pisngi at sa puson kaagad nakikita. Kasalanan yata ito ng tatay ko namana namin sa kanya," lahad ni Kim.

Pero anu man ang issues na ipinupukol kay Kim, thankful siya dahil mula sa biglaan niyang pag audition para sa Pinoy Big Brother ten years ago, heto na siya ngayon at mas maayos na ang kanyang personal at pang publikong buhay.