• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Xian Lim talk about their memorable experiences shooting in New York.

Kim Chiu and Xian Lim reveal their unforgettable New York experiences

Kim Chiu and Xian Lim talk about their memorable experiences shooting in New York.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/10/2016 12:48 AM
Kim Chiu and Xian Lim reveal their unforgettable New York experiences
030916-KimXi_PUSH.jpgSa thank you press conference na ipinatawag ng teleseryeng The Story of Us dahil sa magandang feedback sa kanilang first week of airing, naibahagi ng KimXi tandem nina Kim Chiu at Xian Lim ang mga di nila makakalimutang experience sa kanilang naganap na shooting sa New York, USA. First time nila na mag-shoot sa ibang bansa na magkasama kayat maraming kuwento ang dalawa.

Si Kim, ang mga luto ni Zsa Zsa Padilla na kasama nila sa show ang unang naalala.

"Lahat kami nadagdagan ng timbang. Ang sarap kasi magluto ni Ms. Zsa Zsa, yung adobo tapos the next day kare-kare naman."

Naidagdag ni Zsa Zsa na ito naman ang kanyang paraan para labanan ang jetlag.

"Bukod sa pagluluto, naglinis din ako ng bahay na tinirhan namin. Sa isang house lang kasi kami tumira for ten days na nag-shoot kami doon kaya nag enjoy kami lahat."

Hindi naman makakalimutan ni Xian Lim ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga pinoy sa New York.

"Kakaiba sila mag alaga sa amin doon. Kapag nagsu-shooting kami, mapapadaan sila. Akala mo mag-wave lang sila and that’s it pero babalik sila may dala ng pizza or kahit ano pagkain para sa amin. Ang saya."

Sa event din na ito inilunsad ang advocacy ng The Story of Us dahil simula next week, mapapanood within the show ang mga tunay na istorya ng pinoy OFWs sa ibang bansa na inspiring para sa mga manonood.