• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress says she is decided to have a graceful exit from the teleserye “Tubig at Langis.”

Vivian Velez on issue with Cristine Reyes: ‘Yun lang konting respeto’

The actress says she is decided to have a graceful exit from the teleserye “Tubig at Langis.”

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

03/09/2016 12:48 AM
Vivian Velez on issue with Cristine Reyes: ‘Yun lang konting respeto’
030716-viviancristine.jpgSa report ni Mario Dumawal para sa TV Patrol, inamin ng beteranong aktres na si Vivian Velez na hindi na niya napigilan ang pagreresign sa seryeng Tubig at Langis  dahil sa di nila pagkakaunawaan ng co-star na si Cristine Reyes. 

“Painful sa akin ang nangyari na paalisin mo ako sa shared room namin. Nagdabog siya, she wants me to leave the room because she wants to sleep daw. Prior to that nagtaas na nga siya ng boses. Pinalagpas ko na nga yun. Saturday that was too much for me when she started singing, ‘good-bye, farewell my friend’ in front of my face. Talagang ang sakit,” pag lalahad ng aktres bago ang kanyang meeting kasama ang production staff ng serye. 

Sinabi din ni Vivian, sa tagal niya sa industriya, ngayon lang daw siya nakaranas ng di respetuhin ng kanyang katrabaho. “I’ve earned my stripes naman in the industry. ‘Yun lang konting respeto. Di naman kelangan special treatment. Pinilit ko intindihin, Mario, kung saan siya nangagaling pero di ko siya makuha kasi wala akong pinakitang masama sa kanya,” kwento pa ni Vivian. 

Nirerespeto naman daw ni Vivian ang proseso ng pagdinig ng production unit ng Tubig at Langis sa issue nila ni Cristine. She said she is thankful for the chance to work on the soap and the staff cannot blame themselves for what happened. “Hindi naman nila pwede sisihin ang sarili nila sa isang artistang out of control.” 

Umaasa ang mga kinauukulan na maayos ang gulo sa dalawang aktres pero desidido na si Vivian na magkaroon na lamang ng graceful exit sa teleserye. “Pinaghihirapan ko yun profession ko. Masakit yun, to sacrifice yourself.” 

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Cristine ayon sa kanyang management na Viva Artist Agency. Ayon naman sa ate ni Cristine na si Ara Mina, naikwento na daw sa kanya ng kanyang kapatid ang mga pangyayari at sinabi na walang intension si Cristine pailisin si Vivian sa kanilang kwarto sa taping. Hindi lang daw nauunawan ni Vivian ang kanyang kapatid. 

WATCH her interview here