• Home
  • Fresh Scoops
  • The production team of "Tubig at Langis" says they accept full responsibility for the incident that happened between the two actresses.

Tubig at Langis production team releases statement on Cristine Reyes-Vivian Velez issue

The production team of "Tubig at Langis" says they accept full responsibility for the incident that happened between the two actresses.

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

03/09/2016 12:49 AM
Tubig at Langis production team releases statement on Cristine Reyes-Vivian Velez issue
030816-vivan_main.jpgTubig at Langis production team has released a statement regarding the issue between their stars Cristine Reyes and Vivian Velez. 

This is after the veteran actress voiced out on her Facebook that she's resigning from the afternoon teleserye because she can no longer stand Cristine being disrespectful towards her. 

READ: Vivian Velez on issue with Cristine Reyes: 'Yun lang konting respeto' 





 TUBIG AT LANGIS” PRESS STATEMENT

Nang magsimula ang produksyon ng Tubig at Langis noong Oktubre 2015 hanggang sa umere ito noong nakaraang buwan ay naging maayos ang lahat sa set ng programa. Maayos na nagtatrabaho ang bawat isa, mula sa cast, crew, at staff, kaya naman maganda ang kinalalabasan ng bawat episode.

Noong nakaraang linggo lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa taping ng serye sa pagitan ng lead star nito na si Cristine Reyes at veteran actress na Vivian Velez. Narinig na ng karamihan ang panig ni Vivian ngunit may isang punto lang na may kaugnayan sa nangyari sa dressing room ang nais linawin ng programa.

Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito. Sa katunayan, walang problema ang staff sa work ethics ni Cristine at maayos itong nakikisama sa lahat ng katrabaho niya. Humingi na kami ng paumanhin kina Cristine at Vivian kaugnay nito.

Ikinalulungkot namin ang pangyayaring ito sa masayang pamilya na nabuo namin sa Tubig at Langis.” Naipaliwanag na namin ang aming panig sa dalawang aktres at umaasa kaming matapos na ang isyu sa maayos at magandang paraan.

Sa kabila nito, makakaasa pa rin ang aming manonood na patuloy kaming magsisikap para magbigay ng makabuluhan at napapanahong kwento sa aming programang Tubig at Langis.