• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina says it’s normal for her to defend her sister from detractors.

Cristine to Ara: 'Ate ikaw na ang bahala'

Ara Mina says it’s normal for her to defend her sister from detractors.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/09/2016 12:50 AM
Cristine to Ara: 'Ate ikaw na ang bahala'
030816-aramina.jpgTinawagan kami ni Ara Mina para sagutin ang ilang tanong tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kapatid niyang si Cristine Reyes sa co-star niya sa Tubig at Langis na si Vivian Velez.

Ayon kay Ara, karapatan daw niyang ipagtanggol ang kapatid sa isyu.

"Natural naman na ipagtanggol ko siya kasi kapatid ko yon. Binigyan niya ako ng go signal. Sabi ni AA (palayaw ni Cristine), 'Ate, ikaw na ang bahala.' Kung mali siya, di ko naman kokonsentehin," pahayag ni Ara sa Push.com.ph.

Dagdag pa niya, "Iba naman ang kuwentong nakarating sa akin. Pero siyempre, hindi naman ako dapat ang magsabi tungkol don. Dapat si AA ang magsalita kaya lang ayaw niyang magsalita, eh."

Ayon sa aming source, kailangang gamitin ang room ni Vivian kaya siya pinalipat sa room ni Cristine, na noon ay natutulog dahil pagod galing sa syuting. Nagdadabog daw si Vivian sa room kaya nagising si Cristine.
Kaagad daw itong lumabas ng kwarto pagkatapos magising na halatang medyo bad trip din. Hindi raw nito pinansin si Vivian at hindi rin totoong sinigawan niya ang aktres.

"Do'n sa kuwentong yan, wala akong puwedeng sabihin. Nakita ko rin lang na may ganyang post sa IG," pahayag ni Ara.

Eh, ano naman ang reaksyon niya pati siya ay naba-bash dahil sa pagtatanggol sa kapatid?

"Normal na reaksyon din naman yon ng mga tao. Pero sino pa ba naman ang magtatanggol sa kapatid ko. Ayaw niyang magsalita, so, bilang ate, kailangan ko rin siyang ipagtanggol," sabi pa ni Ara.

Nabanggit din ni Ara na willing ang kapatid niya  na kausapin si Vivian pero ayaw daw makipag-usap ng aktres.

"Handa naman siyang makipag-usap para nga maayos na ang lahat, pero ayaw daw niya (Vivian)."

Ito ang laman ng official statement ni Ara Mina tungkol sa pangyayayari.

"I heard about what happened with Ms. Vivian Velez and my sister Cristine. Nakakalungkot that it's all blown out of  proportion already.

"Hindi ko kukunsintehin ang kapatid ko kung alam kung may mali siya. I heard her story and it's different from what has been said in social media. I'm not in the position to judge who's right or wrong.

"I just hope that it will be over soon and that both of them will find in the hearts to forgive each other. Peace."

Photo credit to realaramina IG