• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities mourn the death of director Francis Xavier Pasion

Cherry Pie Picache on Director Francis Xavier Pasion: ‘Brilliant mind, director’

Celebrities mourn the death of director Francis Xavier Pasion

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/08/2016 10:39 AM
Cherry Pie Picache on Director Francis Xavier Pasion: ‘Brilliant mind, director’
030816-CherryPiePicache_PUSH.jpgSa ulat ni Ginger Conejero para sa TV Patrol, nagulantang ang lahat sa pagpanaw ng isa na namang de kalibreng direktor na si Francis Xavier Pasion. Ito ay matapos ang kamakailan lang na pagpanaw rin ni Direk Wenn Deramas. 

Natagpuang nakahandusay si Direk Francis sa may pintuan ng kanyang banyo noong March 6. Ayon sa autopsy, heart attack ang cause of death ng minamahal na direktor. Noong umaga ng March 7 ay crinemate na ang katawan ni Direk Francis.

Maraming mga artista, kapamilya at kaibigan ang dumalaw sa mga labi ni Direk Francis. Isa na rito si Cherry Pie Picache na nakatrabaho ni Direk Francis sa seryeng On the Wings of Love. Emosyonal na sinabi ni Cherry, “brilliant mind, director. He was such a very good writer, tapos very good soul.” 

Madamdamin rin ang naging mensahe ni Baron Geisler sa kanyang social media account para sa direktor niya sa Jay. Nagpaalam rin si Anne Curtis sa kanyang Hiram writer at Dyesebel director. 

38 years old lang si Direk Francis nang pumanaw at nag-iwan siya ng mga di malilimutang teleserye tulad ng Princess and I, Dyesebel, Nathaniel, On the Wings of Love at mga dekalibreng pelikula tulad ng Jay at Bwaya.