Hunk actor, ‘nagpatikim’ sa bading

BY
Miss Lyka

FRESH SCOOPS

03/08/2016 02:30 AM
Hunk actor, ‘nagpatikim’ sa bading
030616-misslyka.jpgMasayang naikuwento ng isang bading na movie scribe sa kaibigan niya ang unforgettable experience niya sa isang hunk actor nu’ng panahon ng kasikatan nito sa isang TV network.

Kailangan daw niyang interbyuhin ang hunk actor at nagpaunlak naman ito. Sa mismong bahay ng hunk actor naganap ang interbyuhan.

After the interbyu, inalok ng hunk actor na uminom ng alak ang bading na writer. Siyempre, nagpaunlak ang hitad. Siya pa ba ang tatanggi gayung parang nagbibigay na ng motibo ang kanyang subject.

Pagkatapos ng konting inuman ay naganap na ang lahat na labis na ikinaligaya ng bading. Hindi niya akalain na bibigay sa kanya ang hunk actor.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ay wala raw namang napansing pagbabago ang bading na movie scribe sa pag-uugali ng hunk actor. Nakikipag-usap pa rin daw ito sa kanya na parang walang nangyari.

“Siguro, lasing lang siguro siya kaya naging horny siya kaagad at ang tingin niya sa akin ay babae,” biro pa niya.

Isang clue lang ang ibibigay namin. Ang hunk actor na ito ay dating Kapamilya. Bahala na kayong mag-isip kung sino siya.

Ang masuwerte namang bading na writer ay manager din ng ilang artista sa showbiz.  Gets n’yo na? Sana hindi. Hahaha.

Photo credit: friendship.about.com