Xian Lim denies he comes from a well-off family

Xian admits his mom takes care of his finances.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/07/2016 12:49 AM
Xian Lim denies he comes from a well-off family
030716-XIAN.jpgDahil lumaki sa Amerika, marami ang nag-akalang well-off o galing sa mayamang pamilya si Xian Lim na gumaganap na Macoy sa primetime bida series na The Story of Us with Kim Chiu.

Sa interview ng Push.com.ph, inamin ni Xian na katulad din ng ibang pamilya ng OFW, maraming hirap din ang pinagdaanan nila sa Amerika.

“Ayoko na lang isa-isahin. Basta alam yan ng mga OFWs don. Alam nila yung ganu’n sitwasyon na nasa Amerika kayo at kailangan n’yong mabuhay,” simula ng aktor.

Ayon pa kay Xian, nagtataka rin siya na ganu’n ang pagkakilala sa kanya ng tao.

“Yung I’m to sports and into music, totoo naman po yon. Pero yung well-off, hindi po.”

Eh, totoo rin bang sheltered siya o masyadong pinoprotektahan ng lola at nanay niya?

“Yung may pagka-sheltered, totoo naman po yon kasi only child po ako. Lumaki po ako kasama ng aking nanay, tapos nu’ng lumipat po kami sa Amerika siya rin yung kasama ko.

“Ang hirap po talaga ng buhay sa Amerika. Nagpunta po kami do’n with nothing. And ayoko namang mag-sound na parang nagpapaawa, pero meron din po kaming pinagdaanan (hirap) ng nanay ko. And ‘yon nga, pag sinasabi nila na mga ganu’n (well-off), masarap pakinggan, pero hindi naman po, eh,” paliwanag pa ng aktor.

Eh, ano pa ba ang hindi alam ng publiko tungkol kay Xian?

“Marami pa,” buntong-hininga niya.

“Ang hirap kasing sabihin na ito po ako...  ito po kasi ako, eh. Siguro, hindi pa nila nakikita yung mga... I mean, hindi nila alam yung mga pinagdaanan ko sa buhay.

“Hindi nila alam kung ano ang totoo behind what they’re saying about me kasi kadalasan napapangunahan,” katwiran niya.

Natanong na rin namin si Xian tungkol sa kanyang tatay at inamin niyang lumaki siya na wala talagang father figure dahil hiwalay ang nanay at tatay niya.

“Eversince na nagkaroon po ako ng malay, meron na po kaming set-up na hiwalay po. Pero nakikita ko naman po siya. Nagkikita po kami.

“Bilang tatay, binibisita ko po siya. Pero yung tungkol sa ibang family niya, kung may bago na ba, hindi po namin napag-uusapan yon. Pero kami po yung first family  niya,” sabi pa niya.

Eh, paano nga ba lumaki na walang tatay?

“Kasi nung pumunta nga po kami sa Amerika, naghanap ng... It’s not an easy life. And hindi rin naman ako puwedeng mag-over board sa kuwento tungkol sa nanay ko kasi...

“Ang dami rin kasi naming hindi napapagkasunduan ng nanay ko, especially siya rin yung boss ko kasi siya ang humahawak ng buong pera ko. Siya yung in-charge.

“Bilang nanay na lumaki sa Marikina, very ano sila, eh, kada sentimo talaga accounted. And siyempre, marami rin akong gusto (bilhin) kahit papaano, pero bilang nanay nga, lagi niyang inaano na ‘wag ganyan.’

“Tapos other than financial, marami rn kaming hindi napagkakasunduan. Even sa paglabas ko. I understand... ako, naiintindihan ko kasi tatlo lang kami sa bahay – lola ko, nanay ko at ako – kaya siguro ganu’n,” pagtatapos ni Xian.