Director Wenn Deramas laid to rest

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/06/2016 07:38 PM
Director Wenn Deramas laid to rest
030615-DIREKWENN_main.jpgNagsimula ng 1030am kaninang umaga ang huling misa para sa namayapang direktor na si Wenn Deramas na naganap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Dito rin nagsalita ang kapatid ni Direk Wenn na si Meyam at muling binalikan ang masasayang tagpo ng kanilang buhay bilang magkapatid. Pagkatapos ng misa, nagsimula na ilabas ang mga labi ni direk Wenn sa ABS-CBN compound. 

Naiwan sa Arlington Chapels ang mga labi ni Ate Wawa na kapatid ni Direk Wenn at naghintay na lamang ang funeral entourage nito malapit sa TV network para sa magkasabay nilang pagpunta sa Himlayan Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City.

Present din sa memorial park ang ilang personalidad na malapit kay Direk Wenn gaya nina Vice Ganda, Claudine Barretto, Eugene Domingo, Malou De Guzman, mga malalapit na kaibigan at ABS-CBN executive na si Roxy Liquigan at director na si Erick Salud.

Naging tahimik ang seremonyas at taimtim ang naging mga panalangin bago tuluyang inilibing sina Direk Wenn at kapatid niyang si Wawa. 

Nagpalipad ng mga puting lobo at paruparo na simbulo ng pag akyat sa kalangitan ng mga namayapa.
Dito rin nagbigay ng kanilang mensahe ang ilan pa sa mga personalidad na nakipaglibing.

Para kay Gladys Reyes, buhay na legacy ni Direk Wenn sa showbiz ang masasayang pelikula na kanyang ginawa

"Hindi mabibilang ang mga tao na pinatawa niya sa loob ng mga sinehan kapag ipinalalabas ang mga pelikula nya. Marami siyang artista na natulungan."

Para naman kay BB Gandanghari, mahirap mapalitan ang malaking puwang na naiwan ni Wenn.

"Bihira ang isang kagaya niya na marami pa sanang gagawin na projects at marami pa matutulungan. Mananatiling buhay lahat ng mga pelikula at teleserye na ginawa niya" pagtatapos ni BB.

030616-DirekWenn1.jpg

030616-DirekWenn2.jpg

030616-DirekWenn3.jpg