• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor recalls the times he spent with the director when they participated in various film festivals for the movie "Jay."

Baron Geisler on director Francis Pasion: 'He's a very dear friend'

The actor recalls the times he spent with the director when they participated in various film festivals for the movie "Jay."

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/07/2016 12:50 AM
Baron Geisler on director Francis Pasion: 'He's a very dear friend'
030716-BARON2.jpgAng pagdadala sa huling hantungan sa blockbuster director na si Wenn Deramas ang nagsilbi namang hudyat ng pamamaalam ng isa pang batang director na si Francis Xavier Pasion.

Natagpuang patay si Direk Francis sa kanyang tahan sa Barangay Laging Handa nu’ng Sunday afternoon (March 5). Ayon sa findings ng PNP SOCO, heart attack ang ikinamatay ng 38-year-old director.

Isa ang aktor na si Baron Geisler sa malalapit na kaibigan ni Direk Francis. Sa phone interview namin kay Baron habang nasa Angeles, Pampanga siya ay inamin niyang na-shock talaga siya sa nabalitaan.

“Nagkita pa kami last week at nagkausap sa bahay mismo ni Direk. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang nangyari. Parang hindi pa ako talaga makapaniwala na he’s dead,” sabi sa amin ni Baron.

“Magkikita pa nga kami dapat next week. Pupunta ulit ako sa bahay nila. Usap-usap lang,” dagdag pa niya.

Hindi na idinetalye pa ni Baron sa amin ang mga pinag-uusapan nila ng director.

Nagsimulang maging close sina Baron at Direk Francis nu’ng ginawa nila ang pelikulang "Jay" sa Cinemalaya year 2008. Ang "Jay" ang directorial debut ni Francis sa pelikula. Nanalo ang pelikula ng Best Film at Best Editing sa Cinemalaya.

Sa naturang pelikula rin nanalo ng Best Actor si Baron Geisler sa Cinemalaya.

Ayon pa sa aktor, kasa-kasama niya noon ang director kapag nakikipag-compete ang pelikula sa mga film festivals abroad. 

“Magkasama rin kami sa Venice. Palagi kam nag-uusap tungkol sa pelikula kasi 'yon din talaga ang passion niya. He’s a very dear friend,” malungkot na pahayag ng aktor.

Patuloy pa niya, “Kahit naman hindi kami nagkakatrabaho ni Direk Francis, yung last kasi namin ay sa 'Nathaniel' (TV series) pa, pero lagi naman kaming nag-uusap. Open ang communication namin. Kaya sobrang na-shock talaga ako nang mabalitaan ko ang nangyari. He’s very young, ang bata pa niya,” reaksyon pa niya.

May kakaiba ba siyang napansin sa kaibigang director nu’ng huli silang nagkita at nagkausap?

“Wala naman. Okay na okay naman siya,” sagot niya.

Nakiusap si Baron na tatawagan na lang ulit niya kami kapag na-compose na niya ang kanyang  sarili. Medyo natutulala pa raw kasi siya sa biglang pagpanaw ng kaibigang director.