Vice Ganda on Wenn Deramas: ‘Tinuruan niya ako ng mga digmaang lalabanan ko’

Vice Ganda shares most intimate memories with Wenn Deramas.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/04/2016 09:38 AM
Vice Ganda on Wenn Deramas: ‘Tinuruan niya ako ng mga digmaang lalabanan ko’
030416-vice_main.jpgIn a special tribute to Direk Wenn Deramas on Tonight with Boy Abunda, Vice Ganda revealed what it was about his partnership with Direk Wenn that made them click as a creative team. “We have reached that certain level of love and certain level of closeness na binigyan niya ako ng napakalawak na creative freedom kaya kami nagki-click. Kasi hinahayaan niya ako mag-isip, hinahayaan niya akong gumalaw habang siya nagiisip din. Tapos pinagsasama namin lahat ng naiisip namin at gusto naming igalaw…” He continued, “dumating kami sa level na ay, ‘direk hindi ko bet yan.’ Siya rin, ‘ay hindi ako natatawa diyan.’ Binabang-bang namin ang isa’t-isa.” 

Asked how he wants Direk Wenn to be remembered, Vice said, “ I want him to be remembered as the director, yung isang director na laging may magandang regalo sa kanila tuwing pasko. Yung isang pelikulang tatawanan nila kasama yung pamilya nila. Sabi ko nga the Metro Manila Film Festival will never be the same again kasi wala ng Wenn Deramas.”

Vice also revealed Direk Wenn’s plans for their next project. “May mga plano kami na gawing pelikula na superhero, superhero. Gusto niya akong gawing Darna, sabi niya dapat mag-Darna ka. Laging next project niya Darna, pero hindi namin magawa kasi may magda-Darna. Kailangan mag-Darna muna ang totoong Darna bago matuloy ang plano namin.” 

Moreover, Vice recounted how someone at the wake approached him to give him a certificate of recognition. “May inabot siya na ano, parang certificate, parang certificate of recognition, ‘kasi hindi ko na ito maibibigay kay Direk Wenn.’ “Si Direk Wenn ay merong tinulungan na dalawang bata na may sakit sa puso, inisponsoran niya ng pagpapaayos ng puso na ngayon yung dalawang batang yun e okay na okay na. Recently lang daw yun at ayaw daw ipasabi ni Direk na meron siyan tinulunagan na mga bata.” 

What does Vice think Direk Wenn’s biggest achievement was? “Ang pinakamalaking achievement niya he was able to provide for his family…For me that is Direk Wenn’s biggest achievement, being the best son that he could have been, being the best father that he could be, being the best brother to his siblings.”

Vice imparted Direk Wenn’s most precious gift to him as well. “Ang dami niya kasing tinuro sa akin e. Tinuruan niya akong maging magaling, tinuruan niya akong maging matapang lalo. Tinuruan niya ako ng mga digmaang lalabanan ko. Sabi niya kasi hindi matatapos yan, sabi ko hanggang kailan ko ba ie-embrace ‘to? Sabi niya hindi matatapos yan, sabi niya wag kang magdasal na wala nang dumating sayo na pagsubok. Ipagdasal mo maging malakas ka para yung pagsubok na yun malamapasan mo lahat. Ngayon lalo akong pinatatag nitong pangyayaring ito kasi mag-isa na lang ako wala na akong Wenn. Pero ngayon ko patutunayan sa kanya na meron talaga akong natutunan sa kanya at yun yung gagamitin ko ngayon sa pag-iisa ko. Kaya hindi rin ako kawawa kasi bago siya nawala marami naman siyang tinuro sa akin. At kahit di ko siya nakikita, nakikita niya ako, at kahit sa sarili niyang punto palakpakan niya pa rin ako.”