• Home
  • Fresh Scoops
  • Having a gay brother, Edgar Allan Guzman knows how difficult it is for some gays to come out.

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman message to discreet gays/closet queens: ‘Go, come out!’

Having a gay brother, Edgar Allan Guzman knows how difficult it is for some gays to come out.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/04/2016 09:32 AM
EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman message to discreet gays/closet queens: ‘Go, come out!’
030416-edgar_main.jpgBidang-bida si Edgar Allan Guzman sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako ni Direk Joven Tan na malapit nang ipalabas. Sa kanila ni Michael Pangilinan umiikot ang istorya ng pelikula na tungkol sa isang closet queen na na-in love sa kanyang best friend.

 “Siyempre, proud ako sa sarili ko. Pasalamat ako siyempre kay Lord kasi binigay niya sa akin to. Ang sarap lang ng feeling kasi dati kasa-kasama lang ako, kumbaga, nandon lang ako sa background, ganyan-ganyan.

“Ngayon, sa amin naka-focus. Ilan yung mga eksena ko, ang dami, so masaya at proud ako sa sarili ko,” pagmamalaki ni EA na napapanood din sa Doble Kara ng ABS-CBN.

Ayon sa aktor, dati pa siyang very appreciative sa mga bading pero mas nadagdagan pa raw ito simula nu’ng nag-portray na siya ng gay roles.

“Pero hindi lang po dahil sa pelikulang ito ko na-appreciate yung mga gay, nu’ng una pa lang po kasi kapatid ko is gay, alam na namin na ganun siya, tanggap na agad namin.

“Hindi ako… never akong nagalit sa kanya. Never bumaba yung pagtingin ko sa kanya nu’ng nalaman kong gay siya. Mas lalo ko nga siyang minahal kasi mas naintindihan ko siya.”

Patuloy pa niya, “Hindi ako yung nagkaroon ng feeling na ‘ay , hindi ko didikitan ‘to, dito ako sa isa kong kuya na lalaki.’ Walang ganu’n. Na-appreciate ko na agad ang mga bading.”

Hiningan na rin namin ng mensahe si EA sa mga closet queen, paminta o discreet gays.

“Actually, hirap sila talaga… Naintindihan ko yon do’n sa role ko, eh. Ang masasabi ko lang sa kanila, ‘Go, come out!’ Kasi malaya na naman kayo, eh. Hindi na kailangang magtago, eh.

“Kung ano ka talaga, go, labas ka, ilabas mo, sabihin mo. Mas magiging masaya ka kung ilalabas mo yan at hindi mo itatago,” sey pa niya.

Naniniwala din daw siya na dapat sa pag-ibig lahat ay pantay-pantay.

“And sa pagmamahal naman, go din. Ang pagmamahal wala yang pinipiling kasarian. And ngayon, usung-uso na yung ganyan, marami na, so go! Come out and be proud of yourself,” dagdag pa niya.

Sa last part ng aming pag-uusap, tinanong namin si EA kung kumusta namang katrabaho ang first-timer actor na si Michael.

Kuwento niya, “Okey siya kasi marunong siyang makinig, eh. And nakikita ko naman sa kanya meron naman, may ibubuga naman si Michael kasi hindi naman din lalabas yung emosyon ko kung wala kong makukuha sa kanya, eh. So meron, may ibubuga si Michael.”