Dawn Zulueta celebrates 47th birthday

Dawn Zulueta says she’s proud of her age.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/04/2016 09:37 AM
Dawn Zulueta celebrates 47th birthday
030416-dawn_main.jpgNgayon mismo March 4 ang kaarawan ng maganda at mahusay na aktres na si Dawn Zulueta. 47 years old na si Dawn at hindi niya ito itinatago dahil proud daw siya sa kanyang edad at maayos pa ang kanyang itsura at kalusugan. Natanong natin kay Dawn kung may regalo ba siya sa kanyang sarili sa espesyal na araw na ito.

"Oo meron. Ginagawa ko pa rin na may gift ako para sa sarili ko. Diamonds ang regalo ko para sa akin kasi it’s more of an investment na rin"

Naka-plano na rin ang sked ni Dawn ngayong araw.

"First time ko gagawin na wala akong work at nasa bahay lang kasama ang family ko. Hindi ko pa yan nagagawa. May mga time kasi na natatapat na may trabaho pero ngayon maiba naman magpapahinga kami sa bahay magkakasama"

Bilang aktres, napapanood ngayon si Dawn sa primetime teleserye na You’re My Home at sinimulan na rin ang isang pelikula kasama si Piolo Pascual at Coleen Garcia.

"Nakakadalawang shooting days na kami. Medyo nagkaka-ilangan pa pero masarap sila ka trabaho and nage-enjoy ako kasama sila. March or April yata kami ipapalabas kung tuloy ang plans," pagtatapos ni Dawn.