• Home
  • Fresh Scoops
  • Claire dela Fuente says getting a medical degree was her parents’ dream for her.

Claire dela Fuente graduates with an Alternative Medicine degree

Claire dela Fuente says getting a medical degree was her parents’ dream for her.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/04/2016 09:29 AM
Claire dela Fuente graduates with an Alternative Medicine degree
030416-claire_main.jpgNaka-black-and-green toga ang Jukebox Diva na si Claire Dela Fuente ng magpa-interview sa showbiz media. Ito ay bago siya mag marcha sa kanyang graduation dahil nakatapos si Claire at ngayon ay isa ng Doctor of Science for Complimentary and Alternative Medicine mula sa University of Makati.

"Pangarap ito noon para sa akin ng Nanay at Tatay ko na maging doktor ako. Heto na ngayon yun. Napakasarap sa pakiramdam at malaking achievement ito. Important pa rin talaga ang edication para sa isang tao."

One year na kurso ang kinuha ni Claire at ayon sa kanyang mga professors ay excellent student ang Jukebox Diva. May dagdag pang kuwento si Claire kung bakit ito ang napili niyang pag-aralan.

"Marami kaso akong mahal sa buhay na nagkaroon ng mahirap na sakit gaya ng cancer na pwede pa pala magamot ng alternative na paraan kaya ito ang nagtulak sa akin na ito ang pag-aralan ko."

Ngayong tapos na ni Claire ang kanyang kurso, plano niyang magtayo ng clinic kasama na rin ang ilan sa kanyang mga kaibigan na magkakaroon din ng mission sa mga probinsiya para makatulong.