• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach gives inspirational message for 2016 Binibining Pilipinas candidates

Pia Wurtzbach gives inspirational message for 2016 Binibining Pilipinas candidates

Pia Wurtzbach says she learned a lot while trying out for Binibining Pilipinas.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/31/2016 12:49 AM
Pia Wurtzbach gives inspirational message for 2016 Binibining Pilipinas candidates


033016-PiaWurtzbach_PUSH.jpgSimple at elegante si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang white dress nang dumating sa press presentation ng 40 candidates ng 2016 Binibining Pilipinas Beauty Pageant. Isa isang rumampa ang mga kandidata na at kita sa reactions ni Pia—na nakaupo sa gitna ng judges table—na natutuwa siya sa bagong batch ng hopeful beauty queens. Matapos magpakilala ang candidates, tinawag sa stage si Pia at nagsalita ito para ma-inspire ang bagong batch na ito.

"The first time na nag-join ako ng Binibini, I was first runner-up. Wala akong title na nakuha pero ito ang start ng marami kong lessons para marating ang mga bagay kung nasaan ako ngayon."

Sinabi pa ni Pia na mag-enjoy sa pageant at simbolo lamang ang korona.

"Maraming opportunities ang magbubukas para sa inyo lahat lalo na kapag sa inyo napunta ang crown. Its just a start ng maraming blessings and opportunities na mararating ninyo."

Magaganap ang coronation night ng 2016 Binibining Pilipinas sa April 17 sa Araneta Coliseum at mapapanood sa ABS-CBN.